Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?
INIHAYAG na ng aktres na si Claudine Barretto ang kanyang pagsuporta kay presidential candidate Bongbong Marcos at sa ka-tandem nitong si Sara Duterte-Carpio.
Nitong April 11, pormal nang inanunsyo ng aktres sa kanyang Instagram account na ang UniTeam tandem ang kanyang sinusuportahan sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
“BBM po ako,” maikling caption ni Claudine.
Naging hati naman ang reaksyon ng mga netizens sa pagpapahayag ng pagsuporta ng aktres na kasalukuyan ring tumatakbo bilang konsehal sa Olongapo City.
May mga fans na masaya sa pagsuportani Claudine kina Bongbong at Sara ngunit mayroon ring mga sumusuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo at ka-tandem nitong si Sen. Kiko Pangilinan.
Isang netizen nga ang naglabas ng kanyang saloobin ukol sa naging post ng aktres.
“I have loved you ever since and I respect your choice, Clau. But my vote goes to VP Leni.
“Had Rico Yan been alive, he’d choose VP Leni also. Remember? Rico Yan stood up against the Marcoses and refused to endorse any of them. Good luck in the upcoming elections, Clau,” saad ng netizen na marahil ay tagahanga rin ng kanilang love team ng yumaong kasintahan.
Sinagot naman ito ni Claudine ngunit sa ngayon ay burado na ang naturang reply pero naging maagap ang mga netizens na mag-screenshot bilang “resibo”.
Aniya, “It was about year 2000 when we met with President Duterte. In that same year we met Maam Sara & lastly BBM. Rico looked up to these people.”
Dagdag pa ni Claudine, si Bongbong Marcos raw ang sinusuportahan ng kanilang angkan maliban sa pamilya ni Marjorie na nagpahayag ng pagsuporta kay VP Leni Robredo.
Maging ang ina raw ni Rico na si Teresita Castro-Yan ay sumusuporta kay Bongbong.
“Our whole family is BBM, only Marjorie and her kids are Leni. Tita Sita, Yan & I & my mom BBM rin po. Please let us all respect everybody. Stay safe and God bless all of you.”
Muli namang sinagot ng netizen si Claudine at sinabing paniguradong hindi matutuwa si Rico sa mga sinabi ng aktres.
Sagot ng netizen, “Will respect your choice, Clau, but Rico will not be happy and proud of it had he been alice! Watch this video of Rico standing up against the Marcoses, The Correspondent 1998: https://youtu.be/y03mZNZcNh8.”
Ang naturang YouTube video na sinasabi ng netizen ay video clip ng lumang episode ng “The Correspondents” noong 1999. Si Rico ang host sa isang feature ukol sa Martial Law na idineklara ng ama ni Bongbong na si Ferdinand Marcos noong September 1972 hanggang January 1981.
View this post on Instagram
Muli rin nag-reply si Claudine sa netizen at iginiit na suportado ni Rico ang mga Marcos.
“RICO IS A TRUR BLOODED MARCOS & admires BBM also PRESIDENT DUTERTE when we met all in person in Davao.”
Agad namang nag-trending si Claudine sa Twitter dahil marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan na ginagamit pa rin niya ang ka-love team at dating karelasyon para sa ambisyon sa politika gayong matagal na itong namayapa.
“Please let Rico Yan rest in peace, for heaven’s sake,” saad ng netizen.
Sabi naman ng isa, “Can Claudine keep Rico Yan out of her mouth? Pansin ko lang every time na gusto niyang maging ‘relevant’ again, she always uses Rico’s name.”
“Can Claudine stop exploiting a dead man already? This has gone too far. Rico Yan does not deserve this,” dagdag pa ng isa.
May mga netizens pa nga ang nagpaalala na tutol ang lolo ng aktor na si General Manuel Yan Sr., isa sa mga high-ranking officials noon, sa pagpapatupad ng Martial Law.
“Gen. Manuel Yan Sr. is the grandfather of Rico Yan. In AFP’s history, Yan (48) was the youngest Chief of Staff. However, Yan resigned to his post in 1972 because he didn’t want to be involved with Martial Law.
“Let Rico rest, Claudine,” sey ng netizen.
Hirit pa ng isa, “Rico Yan is the grandson of General and Ambassador Manuel Yan Sr: and one of those high ranking officials to never agree with Martial Law.
“Please lang, love ko si Rico at wag na idamay pa ni Claudine.”
Nanatili namang walang sagot ang aktres sa mga sinasabi ng netizens.
Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ni Claudine ukol sa isyung ito.
Related Chika:
Claudine naiyak sa paggunita ng death anniversary ni Rico Yan; personal na inimbita ng ina ng yumaong aktor
Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya
Hugot ni Claudine tungkol sa taong ‘sinungaling’, ‘ipokrita’ para nga kaya kay Julia?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.