Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya | Bandera

Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya

Therese Arceo |November 16,2021
facebook
share this

Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya

Therese Arceo - November 16, 2021 - 07:57 PM

Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya

NAGBALIK-TANAW ang aktres na si Claudine Barretto nang ibahagi nito sa madlang pipol ang love letter sa kanya ng yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan.

Sa kanyang Instagram account ay ipinakita ng aktres ang isang simpleng love letter na isinulat ng yumaong aktor noong Setyembre 1998.

“Hunny, just wanted you to know that you are the best thing that has happened in my life. You are my life!” ang mensahe ni Rico para kay Claudine.

“While I watch you sleep, I can’t believe [you’re] mine.

“Thank you for being my rock! And hunny, ‘you rock.’ I love you very much,” sabi pa sa sulat ng yumaong aktor.

Ayon kay Claudine, nais niyang ibahagi ang love letter na ito para sa mga supporters nilang dalawa ng yumaong aktor.

“Double infinity. RYCB [and] Claudinians, this is for all of [you],” saad pa ni Claudine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Hindi naman napigilan ng iba pang mga celebrities ang mag-react at mag-comment sa post ng aktres.

Ilan rito ay sina Mariel Padilla, Gladys Reyes at Diane Medina.

“Nakakamiss si Rico mare,” saad ni Gladys.

Maski ang mga fans nina Claudine at Rico ay napa-comment sa post ng aktres.

“O my gush! Kumakain ako tapos napasigaw ako sa kilig habang nagbabasa.. Super kilig! Babasahin ko yan ng paulit-ulit para kiligin! Pag sulat ni Rico to Claudine lang ako kinikilih. Thanks for sharing Ms. Claudine! More pa.”

“The sweetest! Thank you so mucj Ms. Clau gor sharing this! We appreciate it!”

“Kilig po. RYCB FOREVER!”

Naging magka-love team sina Claudine at Rico noong late 1990s kung saan ang kanilang pagiging mag-partner on screen ay nauwi sa pagiging real-life couple.

Ilan sa mga nag-hit na pelikulang pinagbidahan nina Claudine at Rico ay “Got 2 Believe,” “Flames: The Movie” at “Dahil Mahal na Mahal Kita.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hanggang ngayon ay nananatiling sentimental ang aktres kapag napag-uusapan ang yumaong aktor.

Matatandaang natagpuang patay sa isang resort sa Palawan si Rico Yan noong Marso, 2002 at cardiac arrest ang itinuturong naging sanhi ng pagkamatay ng aktor.

Related Chika:
Claudine galit na galit sa pinuntahang ospital: Parang sasabog ang dibdib ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending