Claudine 2 beses iniligtas ni Ate Vi: 'Because of you, my children still have a mom' | Bandera

Claudine 2 beses iniligtas ni Ate Vi: ‘Because of you, my children still have a mom’

Ervin Santiago |February 20,2023
facebook
share this

Claudine 2 beses iniligtas ni Ate Vi: ‘Because of you, my children still have a mom’

Ervin Santiago - February 20, 2023 - 03:08 PM

Claudine 2 beses iniligtas ni Ate Vi: 'Because of you, my children still have a mom'

Claudine Barretto at Vilma Santos

MANGIYAK-NGIYAK na nagpasalamat si Claudine Barretto sa Star for All Seasons na si Vilma Santos dahil sa “pagliligtas” nito sa kanya noong down na down na siya sa personal niyang buhay.

Nagkasama sina Ate Vi at Claudine sa 2000 award-winning film ng Star Cinema na “Anak” na talaga namang nagmarka at pinag-usapan sa milyun-milyong Filipino na nakapanood nito mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa ABS-CBN special na “Anim na Dekada Nag-iisang Vilma” na isang dokumentaryo para sa ika-60 anibersaryo ni Ate Vi sa showbiz industry, nagbahagi si Claudine ng mensahe para sa award-winning actress.

“First of all Ate, happy anniversary. Sixty years in the business we are so blessed to have you.

“Siguro, isa lang ako sa mga milyon-milyong tao na na-touch mo. Ito totoo ito, twice in my life Ate V saved me,” emosyonal na pahayag ni Claudine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Aniya pa, “I will forever be grateful kasi there were times na when I was really down siya ang unang tumatawag, siya ‘yung nagri-reach out at siya lang ‘yung nakakaintindi.

“And siguro sa sobrang laki ng respeto at pagmamahal ko sa kanya, God used her as an instrument para magkaroon ako ng paniniwala ulit sa sarili ko, to love myself again.

“Kasi kung kaya kang mahalin ng isang Vilma Santos, ‘yun ang pakiramdam ko, kaya ko ring mahalin ang sarili ko.

“So you’re God’s gift to so many people dito sa industriya na ito. I love you so much and thank you, because of you, my children still have a mom,” pagbabahagi pa ng akrtres.

Sabi naman ni Ate Vi kay Claudine, “I love you Claud, I love you my baby.”

Samantala, ipinaliwanag naman ni Ate Vi kung bakit sa ABS-CBN niya ipinagkatiwala ang kanyang anniversary special, “Nandito ang puso ko. Napakalaki rin ng utang na loob ko sa estasyong ito.

“Alam na nito ang buong buhay ko. Ang ABS-CBN, pamilya na. Parte na ito ng buhay ko for 60 years. For 60 years, kasama ko ang ABS-CBN,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang, hindi ito basta naging istasyon sa akin, kasama na rin ang anak ko rito.” Na ang tinutukoy nga ay ang kanyang panganay na si Luis Manzano.

Ate Vi pwedeng tumakbong senador sa 2022: Pero maaaring mag-retire na rin po ako sa politics

Luis planong maging doktor, may sinundang babae kaya ‘di natuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nadine kay Ate Vi: Noong MMFF awards night nakita ko siya, gusto ko talaga siyang yakapin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending