Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan | Bandera

Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan

Therese Arceo |April 15,2022
facebook
share this

Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan

Therese Arceo - April 15, 2022 - 11:21 AM

Ogie Diaz kay Claudine Barretto: Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan

MAGING si Ogie Diaz ay nag-react sa pagsasabi ni Claudine na maka-Marcos ang yumaong kasintahan at dating aktor na si Rico Yan.

Sa kanyang latest “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ay napag-usapan nila ang isyu na nagsimula noong magpahayag ng pag-suporta ng aktres kay presidential candidate Bongbong Marcos.

Nauna nang batikusin ng mga netizens si Claudine dahil sa tila paggamit nito sa namayapang kasintahan sa politika bagay na sinang-ayunan nila Ogie.

Matatandaang sinabi ng aktres na maski si Rico ay supporter nina Bongbong at Pangulong Rodrigo Duterte bagay na pinabulaanan ni Noel Ferrer at sinabing nakasama niya ang yumaong aktor noong EDSA People Power Anniversary habang ipinagbubunyi ang pagpapaalis sa pwesto sa mga Marcos.

Sinabi rin ng writer at film producer na sana ay huwag nang gamitin pa ang yumaong aktor para lamang sa kanyang “personal gains”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

“Para lang manalo, para lang umingay ang kandidatura at mapag-usapan e kailangang gumamit ng namayapa na?” saad ni Ogie nang tanungin siya ni Mama Loi kung ano ang “personal gain” na tinutukoy ni Noel.

Lahad niya, “Alam mo, dapat talaga hindi na binanggit pa ito ni Claudine para lang patotohanan ang kanyang stand, ang kanyang choice.”

Pagpapatuloy ni Ogie, “Ako, feeling ko lang Loi, for delicadeza, dapat hindi na yun binanggit pa ni Claudine kasi parang ano, makukuha ba natin yung panig ni Rico Yan sa isyung ito? Para itanong natin kay Rico Yan, through medium, ‘Rico, totoo ba yung sinasabi ni Claudine?'”

“Porke hindi na natin makakausap si Rico Yan, iko-quote natin yung isang namayapa na. Ni hindi natin alam kung sinabi ba niya [na] yun talaga ang katotohanan?”

May spluk rin si Ogie na may mga pagkakataon raw na sa tuwing nagkakaroon ng isyu si Claudine at naglalabas ito ng pahayag ay taliwas ang sinasabi nito sa kabanggaan niya sa isyu.

Aniya, dapat ay hindi lang taga-media ang may credibility bagkus dapat pati ang mga artista ay meron.

Ito ay may kaugnayan sa isa pang isyung kinasangkutan nito patungkol sa “letter” sa kanya ni Rico na pinagdudahan ng mga netizens kung ang yumaong aktor nga ba ang nagsulat.

Dagdag pa ni Ogie, “Kaya itong kay Rico Yan, maling mali talaga yung ginawa ni Claudine. Sana hindi na niya ginamit si Rico Yan.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Claudine Barretto nagpakita ng suporta kay Bongbong Marcos, pero bakit nakaladkad sa isyu si Rico Yan?

Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya

Claudine naiyak sa paggunita ng death anniversary ni Rico Yan; personal na inimbita ng ina ng yumaong aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending