Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang nang-ghost sa kanya?

Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang 2 artista na nang-ghost sa kanya?

Pauline del Rosario |July 10,2023
facebook
share this

Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang 2 artista na nang-ghost sa kanya?

Pauline del Rosario - July 10, 2023 - 04:14 PM

Ogie Diaz may pa-‘blind item’, sino kaya ang 2 artista na nang-ghost sa kanya?

PHOTO: Instagram/@ofgie_diaz

TILA nagparinig sa social media ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz patungkol sa dalawang artista na nang-ghost umano sa kanyang interview.

Yes yes yes mga Marites, kahit sa mga interview ay may mga mahilig ding mang-ghost!

Hindi na pinangalanan ni Ogie ang kanyang mga tinutukoy, pero ibinandera nalang niya kung ano ang nangyari sa kanya.

Sa unang pa-blind item ng talent manager, naikwento niya na naging maayos ang kanilang pag-uusap sa umpisa.

Ngunit ‘nung nabanggit na raw niya ang tungkol sa panayam ay tila naglaho nalang na parang bula ang kanyang kausap.

Saad ni Ogie sa isang Twitter post, “Sumagot ‘nung kinumusta, ‘nung humirit ako na baka pwedeng ma one on one interview, nag text pa ako twice, ayun, di pa din nasagot. Hahaha!”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz walang galit kay Liza Soberano: Sorry anak kung in a way na-offend kita

Ani pa niya, “Wala atang load ang lola mo pang-reply. Makapasok na nga sa _______. “

Sa isa pang post, ibinunyag ni Ogie na hindi lang isang beses nang makaranas siya ng ghosting.

Naulit daw ito, pero ang masaklap ay mas pinili pa nitong magpa-interview sa iba.

Saad niya sa hiwalay na tweet, “May 1 pang artista, nakiusap, interbyuhin ko daw siya tungkol sa isyung kinasangkutan niya. Ininterbyu ko. Naka-4 revisions kami.”

“Ang ending: wag na lang daw ilabas at aayusin na lang. Bilang nakiusap, pinagbigyan ko,” chika pa ni Ogie.

Aniya pa, “Tapos, ayun, nagpainterbyu sa iba, di man lang ako naalala [crying face emoji].”

Maraming netizens naman ang na-curious sa mga pa-blind item ng talent manager at dahil diyan ay pinipilit nila si Ogie na ibunyag kung sino ang mga ito.

“Ilabas na yan Mama Ogs [laughing face emoji],” sey ng isang nag-comment.

Lahad ng isa pang Twitter user, “Ichika mo na… dali!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Dennis Padilla tinalakan ng netizens: Mag-focus ka na lang sa ibang bagay!

Bakit nga ba maraming Pinoy ang bumoto kay Robin Padilla para maging senador?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending