Dennis Padilla tinalakan ng netizens: Mag-focus ka na lang sa ibang bagay! | Bandera

Dennis Padilla tinalakan ng netizens: Mag-focus ka na lang sa ibang bagay!

Therese Arceo |December 06,2022
facebook
share this

Dennis Padilla tinalakan ng netizens: Mag-focus ka na lang sa ibang bagay!

Therese Arceo - December 06, 2022 - 02:59 PM

Dennis Padilla tinalakan ng netizens: Mag-focus ka na lang sa ibang bagay!

MARAMI sa mga netizens ang nagbigay payo sa actor-comedian na si Dennis Padilla patungkol sa paglalabas nito ng saloobin sa naunsyaming interview niya kay Karen Davila.

Matatandaaang kamakailan ay inihayag ng komedyante ang kanyang pagkadismaya sa ABS-CBN anchor dahil sa tila hindi nito pagtupad ng kanilang usapan.

Nangako kasi si Karen na kakapanayamin niya si Dennis matapos itong umalma sa mga naging pasabog ng kanyang anak na si Julia Barretto nang ma-interview siya ng ABS-CBN anchor sa YouTube vlog nito.

Matapos ngang mag-post ni Dennis sa Instagram ay tinawagan siya ni Karen at sinabing iinterbyuhin niya ito. Nagkasundo pa sila na pagkatapos ng kanyang presscon para sa Kapuso teleserye na “Maria Clara at Ibarra” ang naturang interview ngunit hindi ito natuloy.

“Shinowbiz din niya ako! Pero kung nagkaharap kami ni Karen Davila, ako, kaya kong tumingin nang diretso sa mata niya. Ang problema niya, siya ba, kaya niyang tumingin sa akin?

“Kahit Karen Davila ka, manliliit ka sa akin kapag nagkita kami dahil sasabihin ko sa kaniya, ‘Journalist ka, eh. You have to weigh things. Eh, bakit ni-one side mo ako?’” saad ni Dennis sa panayam sa kanya ng pep.ph.

Kaya naman marami sa mga netizens ang nag-react at pinayuhan ang komedyante na sana ay mag-focus na lang lang ito sa ibang bagay upang hindi na tumindi pa ang hidwaan sa pagitan nila ng kanyang mga anak.

“Diyos ko Dennis Yan nlang Ang atupagin mo wag mo ibuhos Ang Oras mo Jan sa mga about interview magfocus ka nlang Muna sa Ibang bagay at kng gusto mo magkaayos Ng mga anak mo siguro dipa ngaun. hintayin mo nlang kng kelan magpasalamat ka nlang kung anu Meron ka Ang importante at healthy kapa rin.yan lang masabi ko sau,” komento ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Wag mo na iasa sa ibang tao… ikaw na sumuyo sa mga anak mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

“Susme naman ka dencio! Tapos pagkatapos ng interview, mggalit nnman lalo ang mga anak m! Dka talga nagiisip!” hirit pa ng isa.

Biro naman ng isa, “Kay toni g ka na lang, may unity pa.”

Noon pa man ay marami na sa mga netizens ang nagpapayo kay Dennis ukol sa kanyang pakikitungo sa mga anak at hindi ito ang unang pagkakataon na may mga kumukwestiyon sa mga aksyon ng komedyante.

Hangad naman namin sa Bandera na magkabati na ang dalawang panig lalo na’t malapit na ang Kapaskuhan.

Related Chika:
Dennis Padilla dismayado kay Karen Davila, pangakong interview waley pa rin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dennis umalma sa interview ni Karen kay Julia: Sobra kayo…ano pa bang revenge ang gusto n’yong gawin?

Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me

Julia umaming nasaktan nang sagutin ni Leon si Dennis: He’s very brave, I love him because now he’s the man of the house

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending