Dennis Padilla dismayado kay Karen Davila, pangakong interview waley pa rin?
TILA disappointed ang actor-comedian na si Dennis Padilla sa ABS-CBN anchor na si Karen Davila.
Ito ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naisasakatupan ang ipinangako nitong interview sa kanya para maibahagi naman niya ang kanyang istorya hinggil sa hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
Matatandaang noong Setyembre ay nakapanayam ni Karen ang anak ni Dennis na si Julia Barretto kung saan nagbahagi ito patungkol sa relasyon nila ng kanyang ama.
Agad namang umalma ang komedyante at nanawagan na sana ay interbyuhin rin siya ng ABS-CBN anchor para naman maibahagi niya ang side niya sa kwento.
Tinawagan naman daw siya ni Karen matapos ang kanyang pangangalampag dito at pumayag naman daw ito sa isang panayam kahit na malapit ito sa dating asawa ni Dennis na si Marjorie.
Ngunit ang sabi raw ni Karen ay hindi niya iinterview-hin ang komedyante para sagutin ang mga sinabi ni Julia dahil good vibes ang kanyang content.
Dito ay sinabi ni Dennis na magkakaroon siya ng presscon para sa GMA teleseryeng “Maria Clara At Ibarra” at after a week raw ay iinterview-hin daw siya ni Karen.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang sinasabi nitong interview kaya naman tila na-imbyerna na ang komedyante.
“Shinowbiz din niya ako! Pero kung nagkaharap kami ni Karen Davila, ako, kaya kong tumingin nang diretso sa mata niya. Ang problema niya, siya ba, kaya niyang tumingin sa akin?” saad ni Dennis sa panayam sa kanya ng pep.ph.
Pagpapatuloy pa niya, “Kahit Karen Davila ka, manliliit ka sa akin kapag nagkita kami dahil sasabihin ko sa kaniya, ‘Journalist ka, eh. You have to weigh things. Eh, bakit ni-one side mo ako?’”
Pagbabahagi pa ni Dennis, siya na nga raw mismo ang nag-alok na siya na ang dadayo kay Karen para sa interview.
Ngunit ikinabigla raw niya ang naging sagot ni Karen sa kanya.
“Ang sabi niya, ‘You know, Dennis, what you said is very threatening. That’s very threatening!” pagbabahagi ni Dennis.
Hanggang ngayon raw ay inaantay pa rin niya ang paliwanag ni Karen tungkol sa hindi nito pagtupad sa ipinangakong interview.
View this post on Instagram
Bukas naman ang BANDERA para sa panig ni Karen Davila hinggil sa isyu.
Related Chika:
Dennis umalma sa interview ni Karen kay Julia: Sobra kayo…ano pa bang revenge ang gusto n’yong gawin?
Julia Barretto hindi pa rin nakakausap si Dennis Padilla: There’s just so much fear inside me
Dennis kay Gerald: Mas maipakikita mong mahal mo si Julia kung irerespeto mo ‘yung tatay niya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.