Ogie Diaz tinalakan ng netizen, resbak ng talent manager: Saan n'yo po gustong tumulo luha ko? | Bandera

Ogie Diaz tinalakan ng netizen, resbak ng talent manager: Saan n’yo po gustong tumulo luha ko?

Therese Arceo |March 14,2023
facebook
share this

Ogie Diaz tinalakan ng netizen, resbak ng talent manager: Saan n’yo po gustong tumulo luha ko?

Therese Arceo - March 14, 2023 - 03:29 PM

Ogie Diaz tinalakan ng netizen, resbak ng talent manager: Saan n'yo po gustong tumulo luha ko?
SINAGOT ng talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz ang talak ng netizen sa kanya matapos ang pagbubigay pahayag nito ukol sa part 1 ng exclusive interview ni Liza Soberano kay Boy Abunda.

Two-part episode ang interview ng aktres na napanood noong Biyernes (March 10) at kahapon (March 13).

Sa pagtatapos ng part 1 ng interview ay may mga tinanong si Boy kung may galit ba si Liza kay Ogie at tinanong rin ito patungkol sa totoong istorya sa likod ng hindi tumatanggap ng komisyon ang talent manager sa dalaga.

Base sa “Showbiz Update” vlog nito kasama sina Mama Loi, Dyosa Pockoh at Mrena, sinabi nitong wala siyang nararamdamang tampo o galit sa dating alaga.

“Ako wala. Galit, tampo, wala. Lagi ang prayers ko ay sana nasa maayos na lagay si Liza; Na sana nasa maayos ‘yung kanyang mindset, state of mind. ‘Yun lang. Hindi para kontrahin si Liza,” saad ni Ogie.

Banat ng netizen sa komedyante, “Di ba sabi ko wag mo na syang tawaging anak . Galing mo inunahan mo ung interview ni tito boy. Para masabing mabait ka. Matapos mong sirain . Alam na namin style mo bulok.”

Sinagot naman ito ni Ogie at sinabing “Ano po itatawag ko? Tita? Lola?”

Bukod rito, may komento rin ang parehong netizen sa pahayag ng talent manager na hangad nito na maging maayos ang lagay nito.

Baka Bet Mo: Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: ‘For how many years ng walang interest!’

Sey pa ng netizen, “Naku ngaun ka nagsasalita ng ganyan matapos mong sirain ung tao. Tumigil kana. Mark my word pag tumulo ang luha ng isang tao na walang ginawa sa iyo. May kapslit yan sa itaas. God bless you liza. You will be blessed.”

Ni-retweet rin ito ni Ogie sabay banat ng “Saan nyo po gustong tumulo luha ko? Kanan o kaliwa?”

Ilang linggo na ring laman ng mga balita si Liza buhat nang magtanggal ito ng past Instagram posts hanggang sa pagpapalabas nito ng “This Is Me” YouTube vlog.

Marami ang nag-akusa sa dalaga na tila naging ungrateful ito sa mga taong tumulong sa kanyang mabuo ang makinang na pangalan sa showbiz gaya nina Ogie Diaz, Star Magic, at ABS-CBN.

At inisa-isa na ngang sagutin ni Liza ang mga katanungan at binigyang linaw ang mga isyung naglabasan matapos lumabas ang vlog niya.

Binigyang diin rin niya na nais niyang magkaroon ng career growth kaya ninais niyang umalis sa pangangalaga ng dating manager at subukang mag-explore ng iba pang oportunidad.

Related Chika:
Bwelta ni Ogie Diaz sa mga nagmamarunong: ‘Ang akala ng iba, kubra lang nang kubra ng komisyon ang manager’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Soberano ayaw pa ring tantanan ng bashers: ‘Bawasan ang pagkataklesa…mag-isip muna bago tumalak’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending