Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: 'For how many years ng walang interest!' | Bandera

Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: ‘For how many years ng walang interest!’

Reggee Bonoan |March 02,2023
facebook
share this

Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: ‘For how many years ng walang interest!’

Reggee Bonoan - March 02, 2023 - 06:57 PM

Liza Soberano humiram ng malaking halaga sa ABS-CBN para makabili ng bahay, sey ni Ogie Diaz: 'For how many years ng walang interest!'

ANG dating talent manager pala ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang nag-guarantor para makahiram ng malaking halaga para makabili ng bahay para sa ama niya rito sa Pilipinas kasama ang mga kapatid.

Sampung taong gulang si Liza nang mag-decide siyang pumunta ng Pilipinas para tumira sa amang si John Castillo Soberano na hiwalay na noon sa mommy niyang Amerikana na si Jacqulyn Elizabeth Hanley at simula noon ay ang paternal grandparents na niya ang nag-alaga sa kanya.

Gustong mag-artista ng dalaga kaya siya pumunta ng bansa at pinalad naman mula sa tulong ng ex-manager at ng ABS-CBN.

Tanda namin noong ipakilala pa si Liza bilang isa sa 12 New Faces of Star Magic noong 2013 at kasama sina Janella Salvador, Julia Barretto, Alex Diaz, Ingrid dela Paz, Jerome Ponce, Jane Oneiza, Jon Lucas, Julian Estrada, Khalil Ramos, Kit Thompson at Michelle Vito ay Hope pa ang gamit niya noon.

Tandang-tanda naming bilin sa kanya na kapag sumikat siya dahil nakitaan na namin ng potensyal na huwag lalaki ang ulo niya at tandaan niya kaming mga kausap niya noon sa lamesa.

Sinegundahan naman ng dati niyang manager na si Ogie ang bilin namin at sabi pa nga, ‘o hayan tandaan mo raw sila kasi babalikan ka ng mga ‘yan pag nakalimot ka.”

In fairness through the years kapag nakikita namin si Hope na naging Liza na ang pangalan ay ngumingiti naman at mahiyain pa.

Sa lahat ng presscon ng pelikula ni Liza ay hindi naman siya nakalimot at laging bumabati/bumebeso na sumusunod naman sa bilin ng manager.

At tandang-tanda rin namin na laging kuwento ni Liza ang usapan nila ng manager niya noon na bawal siyang mag-boyfriend muna dahil kailangan muna niyang bilhan ng bahay at lupa ang daddy niya kasama ang mga kapatid dito sa Pilipinas, bahay at lupa sa Amerika para sa grandparents niya, sarili niyang bahay o condo unit para hindi nakikitira sa ama, at sariling sasakyang magagamit sa mga lakad niya.

Nagkakabiruan pa nga kami noon na ang higpit pala ni Ogie sabi pa namin na baka ugatin na si Liza bago magka-jowa.

Pero ang sagot ni Ogie noon, “sandali lang ‘yan kapag sunud-sunod ang projects niya at product endorsements” na totoong nangyari nga.

Pero dahil kailangang unahin ni Liza ang bahay at lupa para sa ama at mga kapatid ay lakas loob na nagsabi si Ogie sa pamunuhan ng ABS-CBN para makapag-advance ng kanyang talent fee.

“Gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN dahil ako mismo ‘yung kumausap habang takot na takot si Liza at daddy John ang kanyang ama na kumuha ng bahay.

“Ako ang naglakas loob sa ABS-CBN na makapag-advance si Liza para mabayaran (mabili) ‘yung bahay. Tapos sabi ko awas-awasin sa talent fee ni Liza.

“At kung sa bangko namin kukunin (ilo-loan) ang pangbayad ng bahay na iyon, Dyoskopo that’s P17.8 million and yes in-advance namin iyon sa ABS-CBN .at ang nakakatuwa, hindi kami tinubuan.

“for how many years ng walang interest! Hindi koi to inaano (sinusumbat) kay Liza ah. Sa akin ito, hindi kay Liza na ako bilang si Ogie Diaz na dating manager ni Liza Soberano na gusto kong magpasalamat sa ABS-CBN dahil sila ang naging tulay para makuha ni Liza ‘yung bahay,” balik-tanaw ni Ogie kung paano nakuha ng aktres ang pangarap na bahay para sa ama at mga kapatid.

Kulang 5,000 mula sa netizens ang nagkomento nang mapanood nila ang “Showbiz Update” vlog ni Ogie kasama sina Mama Loi at Ate Mrena na in-upload sa YouTube kagabi.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)

 

Halos iisa ang nilalaman ng mga komento at pinupuri si Ogie bilang dating manager ni Liza na itinuring talagang anak.

Mula kay @Louise Angela, “No one can deny ang ganda ng pagkaka build ni Ogie kay Liza. Pag nagka-franchise na ang ABS CBN si Ogie na ang pwedeng pumalit kay Boy Abunda. He’s very well respected, a doting father, a good manager, host and comedian. He deserves his time to be one of the highest paid talk show host.

Sabi naman ni @xx Kris xx, “Ako ang naiiyak sa episode na to. Wow, I admire Ogie’s POV and attitude. At the end of it, mas pinili mo pa din na suportahan si Liza. U are an example to us na mas piliin ang love +understanding sa kapwa kesa i-cancel at i-entertain ang hate. Saludo ako sayo Ogie!”

 

Related Chika:
‘Si Liza Soberano mismo ang tumangging bigyan sila ni Enrique Gil ng ibang ka-loveteam’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz may sama ba ng loob sa mga dating alagang sina Vice Ganda at Liza Soberano?

Banat ni Cristy Fermin kay Liza Soberano: ‘Wala kang utang na loob, hindi ka Pilipino!’

Liza ibinandera ang mga ‘ganap’ sa buhay, sey sa bagong career: I’m finally taking control of my life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending