Pamilya ni Rico Yan nagsalita na sa rebelasyon ni Sabrina M: 'It is not only unfair but disrespectful' | Bandera

Pamilya ni Rico Yan nagsalita na sa rebelasyon ni Sabrina M: ‘It is not only unfair but disrespectful’

Reggee Bonoan |July 17,2023
facebook
share this

Pamilya ni Rico Yan nagsalita na sa rebelasyon ni Sabrina M: ‘It is not only unfair but disrespectful’

Reggee Bonoan - July 17, 2023 - 05:55 PM

Pamilya ni Rico Yan nagsalita na sa rebelasyon ni Sabrina M: 'It is not only unfair but disrespectful'

Rico Yan (Photo from @ricoyanfan_ Instagram)

NAKAUSAP ni Ogie Diaz si Ginang Teresita Castro-Yan, ina ng namayapang aktor na si Rico Yan sa pamamagitan ng kuya nitong si Bobby Yan tungkol sa rebelasyon ng dating sexy star na si Sabrina M.

Ito’y base na rin sa binasang mensahe ni Ogie sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh na in-upload sa YouTube channel nila ngayong hapon.

“Ang pamilya ni Rico Yan ay nagsalita na at nakausap nga natin si Mommy Sita Yan through Bobby Yan nu’ng Linggo (kahapon), 10 a.m at ang sinabi nga ni Mommy Sita, ‘pakisabi na lang ang aming statement tungkol sa mga nangyayaring ito.’

“And we quote, ‘It has been 21 years since Rico passed on March 29, 2002.  The pain of the family losing a son and a brother has been permanently etched into our being.’

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa pasabog ni Sabrina M tungkol sa kanila ni Rico Yan: ‘Imbento! ‘Yung timeline niya maling-mali!’

“’The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comment, to either refute, or deny, or acknowledge the claims. It is not only unfair but disrespectful.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“’I ask everyone concerned to please STOP using Rico’s name for their own individual purposes. Please leave Rico and us in peace.’

“Sita Yan,

“Rico’s mother.”

“Anyway, bukas naman ang Ogie Diaz Showbiz Update kung mayroon pang gustong sabihin si Sabrina M or kung mayroon pa siyang gustong i-claim na nakalimutan niyang i-claim nu’ng siya’y nagpa-interview,” sabi pa.

Samantala, binalaan naman ni Atty. Ferdinand Topacio si Sabrina M na humingi na ng public apology sa pamilya ng namayapang aktor para iwas demanda at ang ibinigay na taning ay hanggang kahapon, Linggo.

Pero hindi ito ginawa ng dating sexy star bagkus ay nagsabi rin siyang magdedemanda rin at kasalukuyan nilang nirerebyu ang mga video na naglabasan tungkol sa kanya.

Hintayin na lang natin kung mauuwi nga sa demandahan ang isyung ito o magagawan pa ng paraan upang magkaayus-ayos ang mga taong involved para na rin sa katahimikan ng kaluluwa ni Rico Yan.

TVJ naghain ng copyright infringement, unfair competition case laban sa TAPE, GMA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: ‘Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending