Cristy sa pasabog ni Sabrina M tungkol sa kanila ni Rico Yan

Cristy Fermin sa pasabog ni Sabrina M tungkol sa kanila ni Rico Yan: ‘Imbento! ‘Yung timeline niya maling-mali!’

Pauline del Rosario |July 17,2023
facebook
share this

Cristy Fermin sa pasabog ni Sabrina M tungkol sa kanila ni Rico Yan: ‘Imbento! ‘Yung timeline niya maling-mali!’

Pauline del Rosario - July 17, 2023 - 06:01 PM

Cristy Fermin sa pasabog ni Sabrina M tungkol sa kanila ni Rico Yan: ‘Imbento! ‘Yung timeline niya maling-mali!’

Cristy Fermin, Sabrina M

INALMAHAN nang todo ng talent manager at kolumnista na si Cristy Fermin ang naging rebelasyon ng dating sexy star na si Sabrina M kamakailan lang.

Magugunitang ibinandera ni Sabrina sa madlang pipol ang umano’y naging secret love affair nila noon ng namayapang aktor na si Rico Yan na tumagal daw ng mahigit isang taon.

Ikinagulat ito ng publiko, lalo na ng mga taong malalapit sa aktor kabilang na ang naging girlfriend niya noon na si Claudine Barretto.

Sa YouTube vlog ni Tita Cristy na “Showbiz Now Na!” kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez ay napag-usapan nila ito at iginiit na puro kasinungalingan ang sinabi ng sexy star.

Baka Bet Mo: Dating sexy star na si Katrina Paula nilaglag si Sabrina M: ‘Walang relasyon na naganap sa kanila ni Rico Yan, baka nagkatikiman lang’

“Alam niyo po, ito po ‘yung klase ng kontrobersiya na kahit siguro ang uhuging bata ay hindi maniniwala. Wala man lang paramdam,” sey ng kolumnista.

Patuloy niya, “Isipin niyo po, pumanaw na si Rico Yan dalawang dekada mahigit na ang nakakaraan. Paano po niya dedepensahan ang kanyang sarili sa napakatinding kasinungalingan na inimbento ni Sabrina M. Nakakaloka!”

Sumingit naman si Rommel at sabay sabing, “Hindi ko siya kinaya kasi sa kultura ng mga Pilipino, dapat ang babae hindi nagsasabi ng ganyan. Pero sa kanya, talagang panindigan. Pinanindigan niya ang pagiging starlet niya talaga.”

Ayon naman kay Wendell, “Ako naman, kilala ko si Sabrina simula pa lang nu’ng nagsisimula na maging bold star.”

“Sa kadaldalan niya, parang wala naman akong narinig sa kanya na naikuwento niya ‘yung tungkol kay Rico Yan,” saad niya.

Nabanggit din ni Manay Cristy na kahit siya ay takang-taka sa sinabi ni Sabrina na siya raw umano ang pinakahuling naghulog ng bulaklak noong pumanaw si Rico samantalang naroon daw ang kolumnista sa buong burol ay hindi niya man lang nakita si Sabrina.

“‘Nu’ng pumanaw si Rico Yan, araw gabi kami naroon. Hindi ko naman siya nakita kahit anino niya,” chika ni Manay Cristy.

Dagdag niya, “At tsaka ‘yung timeline, maling-mali e.”

“Sabi niya, pagkatapos daw ng relasyon ni Rico at tsaka ni Claudine. Buwan lamang ang pagitan. Unang-una, wala na ‘yung two and a half years,” sambit pa niya.

Inalala pa nga ng kolumnista na kahit si Claudine ay pinagbawalang palapitin sa kabaong ni Rico, paano pa kaya si Sabrina M.

“At alam mo, nu’ng nakaburol si Rico Yan, hindi rin pinalalapit si Claudine noon nu’ng pamilya ni Rico ‘yan. Bawal siyang sumilip,” kwento ni Manay Cristy.

Sey pa niya, “Ang nangyari noon, para lamang makausap ni Claudine si Rico, nakiusap siya sa akin, ‘Nanay pwede po ba ‘yung telepono niyo ay pakitapat niyo sa tenga ni Rico sa loob ng kabaong.’”

“Alam mo, tiniis ko ‘yun na habang nagsasalita siya, pinakikinggan ko humahagulgol siya, ‘I love you so much. I’m sorry.’ Itinatapat ko ‘yun sa tenga ni Rico Yan habang nasa kabaong. Ganu’n katindi,” aniya pa.

Mensahe pa ni Manay Cristy sa dating sexy star, “Gaano kakapal ang mukha ng isang tao na kayang mag-imbento ng kwento tungkol sa isang pumanaw na, na hindi na kayang idepensa ang kanyang sarili.”

“Ayaw po naming isipin na ang kanyang sinabi tungkol kay Rico Yan ay bahagi pa rin o produkto pa rin ng kanyang pinagdaanan,” dugtong pa ng kolumnista.

“Wala pong perpektong tao. Meron pong mga tao na talagang nadadala ng tukso at nagpapatalo sa kaway ng bisyo. Pero sana pinag-isipan niya nang mabuti ito dahil napakaraming kokontra,” huling sabi niya.

Related Chika: 

Sabrina M puro ‘fake news’ daw ang pinagsasabi tungkol sa love story nila ni Rico Yan; Claudine magdedemanda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabrina M may pasabog, naging dyowa noon si Rico Yan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending