Sofronio ramdam ang yumaong ama nang lumaban sa The Voice

Sofronio Vasquez ramdam ang yumaong ama nang lumaban sa The Voice

Ervin Santiago - January 12, 2025 - 06:15 AM

Sofronio Vasquez ramdam ang yumaong ama nang lumaban sa The Voice

Sofronio Vasquez at Pangulong Bongbong Marcos

MALUHA-LUHA ang “The Voice USA” champion na si Sofronio Vasquez nang alalahanin ang mga pinagdaanang pagsubok noong magdesisyon siyang makipagsapalaran sa Maynila.

Hindi napigilan ng Pinoy pride na maging emosyonal nang balikan ang panahong kailangan niyang tuparin ang pangarap na makilalang singer sa Maynila habang nakikipaglaban naman sa sakit sa kidney ang kanyang tatay.

Naibahagi ito ni Sofronio sa pagbisita niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Huwebes kung saan nai-share rin niya ang ilang life lesson na natutunan niya sa ama.

Pumanaw ang tatay ng singer noong 2018 at isa raw sa palaging paalala sa kanya nito kapag nagpe-perform siya ay, “Sing your heart out.”

Baka Bet Mo: Sofronio inalala ang advice ni Rey Valera: ‘Ikaw gagawa ng sarili mong swerte’

Pinasalamatan ng binata ang ama na nagturo sa kanyang kumanta na inilarawan pa niyang “first singing coach.”

“Noong time na lumalaban ako sa competition sa Manila, nandoon na siya sa end part ng pakikipaglaban niya sa kidney failure.

“He just told me na whether… this is hard…” ang pahayag ni Sofronio na  sandaling napatigil sa pagsasalita at pilit pinipigil ang pagtulo ng luha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sofronio Vasquez III (@sofroniovasquez)


“Kung wala na siya, ‘Just know that I’ll be there. Kahit saan.’ And I felt that,” sey pa ni Sofronio.

Kasunod nito, kinanta ng binata ang ilang lyrics ng “Dance with My Father” ni Luther Vandross, at inialay naman sa kanyang ina.

Naikuwento rin ni Sofronio ang pagma-migrate niya sa Amerika mula sa Pilipinas.

Doon nga niya ipinagpatuloy ang pagtupad sa kanyang pangarap na makilala sa buong mundo as a singer.

Aniya, kahit isa nang ganap na dentista, talagang binalikan niya ang pagkanta bilang pasasalamat sa yumaong ama.

Matatandaang sa finals night ng “The Voice USA” season 26, pinabilib ni Sofronio ang buong mundo sa version niya ng “Unstoppable” ni Sia at “A Million Dreams” mula sa  Hollywood musicale na “The Greatest Showman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang international singer at crooner na si Michael Bublé ang naging coach ni Sofronio na kahit tapos na ang “The Voice” ay patuloy pa rin siyang tinutulungan sa kanyang singing career.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending