Erik Santos wish pa ring mag-asawa't magkaanak: 'Kahit sino, magiging choosy pa ba 'ko? Basta maganda!' | Bandera

Erik Santos wish pa ring mag-asawa’t magkaanak: ‘Kahit sino, magiging choosy pa ba ‘ko? Basta maganda!’

Ervin Santiago - September 25, 2023 - 07:55 AM

Erik Santos wish pa ring mag-asawa't magkaanak: 'Kahit sino, magiging choosy pa ba 'ko? Basta maganda!'

Erik Santos

PANGARAP pa rin ng Kapamilya singer at OPM Prince Of Pop na si Erik Santos na magkaroon ng asawa’t mga anak sa tamang panahon.

Patuloy pa ring nagre-recover ang binata at ang kanilang pamilya at mga kaanak sa magkasunod na pagpanaw ng kanyang mga magulang.

Sabi ni Erik nang makausap ng BANDERA at ng ilang miyembro ng showbiz press kamakailan sa presscon para sa kanyang 20th anniversary concert na “milEStone”, napakasakit daw pala talaga ang maging ulilang lubos.

Unti-unti na naman daw siyang nakaka-recover mula sa matinding pagsubok na kinaharap ng kanilang pamilya ngunit hindi talaga maiaalis ang makaramdam sila ng matinding lungkot at pangungulila.

Kaya naman nang matanong sa binata ang tungkol sa kanyang love life, sinabi niyang hindi pa siya handang makipagrelasyon sa ngayon, pero siyempre wish pa rin niya na sana’y dumating na rin ang “the one” na itinadhana para sa kanya.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla mas magiging ‘choosy’ na sa susunod na projects; kinakarir na rin ang pagiging single working mom

“Siyempre po naman, hindi rin magandang mag-isa sa buhay. So, hopefully, I’m really praying, in the near, near, near future na magkaroon na rin po ako ng sarili kong pamilya,” pahayag ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erik Santos (@eriksantos)


Pero anong mga qualities ba ang hinahanap niya sa isang babae, “Siyempre, maganda. Kasi gusto mo namang gumising nang every morning na maganda ‘yung nakikita mo, ‘di ba?”

“To be honest, siyempre, ‘yung mauunawaan ang trabaho ko at makakasundo ko at makakasundo ng personalidad ko. Makakapag-adjust ako at the same time, makakapag-adjust siya sa akin,” sey ni Erik.

Wala rin daw isyu sa kanya kung taga-showbiz o hindi ang magiging dyowa niya, “Kahit sino. Magiging choosy pa ba ako? Basta maganda.”

Dapat ba isang beauty queen? “Ahhh, puwede rin! Kailangang maganda at maganda ang kalooban. Yun naman kasi talaga ang pinakaimportante sa lahat.”

Catriona Gray agree sa pagsali ng mga may asawa’t anak na sa Miss Universe, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pia maraming tinanggihang acting projects dahil ayaw nang magpa-sexy; Jeremy type magkaroon ng maraming baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending