Star News anchor ng 'TV Patrol' na si Angelique Lazo inalala ang pagpanaw ni Mario Dumaual: 'Para akong zombie sa US, parang walking dead' | Bandera

Star News anchor ng ‘TV Patrol’ na si Angelique Lazo inalala ang pagpanaw ni Mario Dumaual: ‘Para akong zombie sa US, parang walking dead’

Ervin Santiago |September 13,2023
facebook
share this

Star News anchor ng ‘TV Patrol’ na si Angelique Lazo inalala ang pagpanaw ni Mario Dumaual: ‘Para akong zombie sa US, parang walking dead’

Ervin Santiago - September 13, 2023 - 07:47 AM

Star News anchor ng 'TV Patrol' na si Angelique Lazo inalala ang pagpanaw ni Mario Dumaual: 'Para akong zombie sa US, parang walking dead'

Angelique Lazo at Mario Dumaual

MAGIGING active uli ngayon sa larangan ng pagbabalita ang dating anchor sa “Star News” segment ng “TV Patrol” na si Angelique Lazo.

Naging bahagi ng iconic news program ng Kapamilya Network si Angelique mula 1987 hanggang 1993, hanggang sa dumating nga ang araw na nawala na siya sa eksena.

At ngayon ay muli siyang mapapanood sa newscast ng PTV4 na “Sentro Balita” kasama sina Audrey Gorriceta at Naomi Tiburcio, mula Lunes hanggang Biyernes, 1 p.m..

Nakachikahan namin si Angelique, kasama ang iba pang members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pa-presscon ng PTV last September 8, para sa mga bago nilang pasabog na public affairs program.

At napag-usapan nga ang tungkol sa pagkakaibigan nila ng yumaong veteran reporter ng “TV Patrol” na si Mario Dumaual.

Chika ng news anchor, huli silang nagkita ni Mario sa Eastwood City Walk of Fame, Quezon City, noong January 18, 2023,  “Kasi binigyan siya ng star sa Walk of Fame.

“Ako yung sinabi niya… kung puwede, ako raw ang mag-i-introduce sa kanya. Kasi, bawat isa sa kanila na honoree, kailangang may mag-introduce. E, nu’ng time na yun, sabi ko, ‘Ah, sandali lang, hindi ako sure. Kasi sa gabi, may mga event ako.’

“And then yung text niya sa akin is, ‘Please lang, lambing ko sa yo.’ Parang ganun. ‘Ano na ang sagot mo sa lambing ko?’ E, my gosh! Gamitan ka ng salitang ‘lambing’! So, parang… sige na nga! Go na. Go na ako!

Baka Bet Mo: ‘TV Patrol’ entertainment reporter Mario Dumaual pumanaw na, showbiz industry nagluluksa

“So kinansel ko yung dapat kong gawin, tapos nagkita kami. And it was, like, parang walang pinagkaiba, yung like before. The same Mario, very gentle, very warm, yung ganu’n,” kuwento ni Angelique.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelique Lazo Mayuga (@jik_lama)


Pagbabahagi pa ni Angelique, talagang nag-message siya sa dating katrabaho at kaibigan nang atakihin ito sa puso, “Sabi ko sa kanya, ‘Mario, fight ka lang!’”

Nasa Texas, USA naman daw siya nang mamatay si Tito Mario noong July 5, 2023, “Para akong zombie. Siyempre, di ba, namamasyal ka, dapat ang saya-saya, ‘no. Tapos iba yung mga nakikita mo, pagkain…

“Pero parang ano lang… yun na nga, walking dead. Kasi nga yung heart ko, yung mind ko was with the family,” aniya pa.

Samantala, natanong din si Angelique sa balitang sa PTV-4 at IBC 13 na mapapanood ang “Wowowin” ni Willie Revillame na nakikita at nakakakuwentuhan niya noon sa ABS-CBN.

“Actually, pumunta siya dito, naka-set up na kami, magnu-news na kami, bigla siyang dumating.

“And then siyempre, nagkagulatan, ano? So, nag-picture-picture kami and then, yun na nga, dun na nga lumabas, ini-explore pa niya nung time na yun, yung option.

“So siyempre, it’s always nice to see familiar faces. It’s nice to work with people that you’ve worked with before. Although sa ABS-CBN noon, hindi naman kami magkatrabaho. Pero the fact na nagkikita kayo, saka sa golf course.

“Kasi dati, ang hilig-hilig niyang mag-golf. Mahilig din ako nun. E, nagmukhang kulay-puno na ako. Ha-hahahaha! Sa babad sa araw, yon,” natawang chika pa ni Angelique Lazo, ang original Star Patroller ng “TV Patrol.”

Hirit ni Julia kapag ayaw na sa ‘yo ng dyowa mo: Huwag nang pilitin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lamay para sa yumaong veteran showbiz reporter na si Mario Dumaual bubuksan sa publiko ngayong araw; Ate Vi, ilan pang celebs nagluluksa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending