Hirit ni Julia kapag ayaw na sa 'yo ng dyowa mo: Huwag nang pilitin | Bandera

Hirit ni Julia kapag ayaw na sa ‘yo ng dyowa mo: Huwag nang pilitin

Ervin Santiago |September 08,2021
facebook
share this

Hirit ni Julia kapag ayaw na sa ‘yo ng dyowa mo: Huwag nang pilitin

Ervin Santiago - September 08, 2021 - 12:36 PM

Julia Barretto at Gerald Anderson

“KAPAG mahal mo, hindi mo susukuan. Kahit mahirap, kakapit ka pa rin.” 

Yan ang hugot line ni Julia Barretto bilang si Yanna sa trailer ng bago niyang teleserye sa TV5, ang “Di Na Muli” kung saan makakatambal niya sina Marco Gumabao at Marco Gallo.

Kaya naman sa ginanap na virtual mediacon ng serye kahapon, natanong ang dalaga kung ano ang  magiging matinding rason para isuko o iwan ang taong labis na minahal?

Medyo napaisip muna si Julia kung paano niya sasagutin ang tanong, “So kumbaga what will make me walk out of a relationship, is that the question?

“Siguro I will only walk away from a relationship kapag ayaw na ng isa. I’ll only walk away when he walks away. In general ha,” ang natatawa pang tugon ng girlfriend ni Gerald Anderson.

“But kidding aside, mahirap sagutin yung tanong na ganyan lalo na kapag wala ka sa sitwasyon na ganu’n. Nasa kutob yan e, nasa pakiramdam yan. 

“Pero I will only walk away when the person I’m in a relationship with wants to walk away. 

“Because there’s respect, we respect that they don’t want it anymore. So hindi na, huwag pilitin. 

“Don’t force somebody to be in a relationship with you if they don’t want to be with you anymore. And I think that’s the time you walk away as well,” paliwanag ni Julia.

In fairness, mukhang super happy naman ngayon ang dalaga sa piling ni Gerald kahit na may mga tao pa ring nangnenega sa kanilang relasyon. 

Kitang-kita rin sa aura ng aktres nang humarap sa media para sa zoomcon ng “Di Na Muli” ang kakaibang glow na isa sa mga patunay na maligayang-maligaya siya sa estado ng kanyang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang weekly romcom series na”Di Na Muli” simula sa Sept. 18, 8 p.m. sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending