Babaeng nagpa-annual physical exam nakatanggap ng sorpresa matapos mag-breakfast sa isang resto, ano kaya yun?
ANG inakala niyang nangyayari lamang sa mga content ng iba’t ibang vlog sa YouTube ay naranasan din ng isang ordinaryong tao kamakailan.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, naikuwento ng netizen na si Beatriz Nicole ang hinding-hindi niya malilimutang karanasan nang mag-breakfast siya sa isang restaurant.
Ayon kay Beatriz, gutom na gutom na raw siya nu’ng mga oras na yun dahil nag-fasting siya para sa kanyang Annual Physical Exam.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang pamilya raw ang nagbayad ng kinain niya sa pinuntahang restaurant na kanyang ikinagulat.
Kalakip ang litrato ng sulat na ibinigay sa kanya ng nagbayad ng kanyang bill sa resto ay ang tunay na kuwento sa likod ng mga pangyayari.
“I thought that these things only happen on social media. It’s really true that even with the simplest things, people will still return the favor with a great blessing,” ang simulang pagbabahagi ni Beatriz sa kanyang Facebook page na viral na ngayon.
Baka Bet Mo: Vice Ganda may pa-open letter sa ‘Showtime’ family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin
Pagpapatuloy pa niya, “Earlier today I had my Annual Physical Exam and saw this woman that was in the clinic with her daughter who was there with her for some testing.
“I finished early and went straight to Pancake House to have breakfast since I fasted for 10 hours and I am really really hungry.
“Luckily, I was able to take the last available table at the restaurant,” aniya pa.
Ilang sandali lamang ang lumipas, dumating din sa nabanggit na restaurant ang nakasabay niyang mag-ina sa clinic na pinuntahan at may kasama nang isang lalaki, na feeling ni Beatriz ay asawa ng nakita niyang ginang.
At dahil wala nang bakante para sa naturang pamilya, sinabihan ang mga ito kung “willing to wait” ba sila sa matatapos na customers.
“Five minutes later I saw the woman arrive at pancake house with her daughter and husband and was waiting to be seated.
“I told the manager that I would be willing to offer my table for them and that I wouldn’t mind sitting on the other designated dining area instead. The manager insisted that it’s okay not to give up the table.
“The dad asked her daughter, ‘Anak, do you want Starbucks instead?’ And the daughter replied, ‘No, dad.’ Then the mom said, ‘Okay, let’s just wait here,’” pagbabahagi pa ni Beatriz.
At nang marinig ang usapan ng mag-ina, kinausap uli ni Beatriz ang manager, “I once again spoke to the manager and insisted that they have my table. They felt appreciation for my kind gesture and thanked me for offering my table to them.”
Nang matapos na siyang kumain ay kimuha na niya ang bill, pero laking-gulat niya nang sabihin sa kanya ng staff ng resto na bayad na ang kanyang mga kinain.
“Fast forward. When I was about to bill out, I received this note. I was really amazed and touched with what happened to me today and so I just wanted to share this story,” sabi ni Beatriz.
Mababasa naman sa letter (nakasulat sa tila pinunit na karton) na ibinigay sa kanya ng staff mula sa tinutukoy niyang pamilya ang mensaheng, “I would like to pay for the bill of the lady beside us. Please tell her bill has been paid.”
“Today is my birthday and my bill was close to 600 pesos and it wasn’t exactly cheap but they still pay for it. I had strong faith to know that God sent this family to bless me and make me happy on my special day.
“A wise man once said, ‘All the kindness you put out there,will always find a way to come back to you,’” ang bahagi pa ng FB status ni Beatriz.
Ayon pa sa netizen, hindi niya akalain na nangyayari pala talaga ang mga ganitong eksena sa totoong buhay dahil ang akala niya’y gimik lang ang mga ito ng mga netizens para mag-viral sa socmed.
At sana raw ay makilala rin niya ang pamilyang nagbayad sa kanyang resto bill.
Kelvin Miranda: Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa nangyayari sa sarili ko…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.