Service crew nag-resign sa work dahil wala nang bebe time sa GF

Service crew nag-resign sa trabaho dahil wala nang ‘bebe time’ sa GF

Ervin Santiago - August 14, 2024 - 06:10 AM

Service crew nag-resign sa trabaho dahil wala nang 'bebe time' sa GF

Photo courtesy of Brigade News FM Bacolod

BENTANG-BENTA sa mga netizens ang paandar ng isang service crew tungkol sa relasyon nila ng kanyang girlfriend.

Pinusuan at ni-like ng ating mga kababayan ang isang ulat kung saan ibinalita na isang staff na nag-resign na siya sa kanyang trabaho.

Ipinakita sa naturang report ang resignation letter ng lalaki sa kanyang boss, at ang dahilan ng kanyang pag-quit sa trabaho – wala na raw kasi siyang “babe time” sa kanyang girlfriend.

Base sa report ng Brigada News FM 103.1 Bacolod, nagtatrabaho bilang service crew ang nagpasa ng resignation letter dahil sobrang naaapektuhan na raw ang kanyang lovelife.

Baka Bet Mo: Vice Ganda wala pa raw ang paayuda sa ‘Showtime’ staff, sey ni Cristy Fermin

Pag-amin ng empleyado, sa tuwing magyayaya raw ng date ang kanyang GF tuwing weekend (Biyernes at Sabado) ay hindi siya nakakapunta dahil nga palagi siyang may duty.

Nagrereklamo na raw ang dyowa niya na puro na lang siya alibi sa loob ng isang linggo – busy daw sa trabaho mula Lunes hanggang Sabado, at pagdating naman daw ng Linggo ay kailangan naman nitong maglaba at magsimba.

Dito na raw na-realize ng service crew na kailangan na niyang gumawa ng paraan para hindi tuluyang masira ang kanilang relasyon dahil sa kanyang work – at yan nga ay ang pagre-resign.

Marami naman ang humanga sa ginawa ng lalaki kung saan napatunayan nito ang kanyang pagmamahal sa girlfriend. Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens.

“Sana all kayang i-give up ang pera para sa jowa hahahaha.”

“Loving-loving ngayon, iyak at hiwalayan later.”

Baka Bet Mo: Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta

“Magde-date nga kayo, wala ka naman pang-date hahaha.”

“Sa pagmamahal mong ganyan sa buhay, hindi malayo na may mangyaring masama sa’yo. Uuwi ka talaga sa bundok.”

“Dapat mahalin ang trabaho dahil mahirap mawalan ng trabaho sa panahon ngayon. Ano pa kaya kung sabay kayong mawalan ng trabaho? Mag-out ka man ng 1 hanggang 2 oras para mag-date kayo ng nobyo mo, pero huwag mong pabayaan ang trabaho.”

“Ay saan ka kukuha ng pang-date mo? Time management lang ‘yan…”

“Isasama mo sya magsimba tapos magDATE na kayo uy. Sweldo is for LIFE. And balance your lovelife and work.GodBLESS.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganito mangyayari sau.. Sana mayaman gf mo or ikw.. Kasi pag nagkataon iiwan ka din nyan kasi wla kanang trabaho hndi na sya mag eenjoy kasi magtitipid na kau.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending