Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta | Bandera

Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta

Therese Arceo - December 21, 2021 - 02:07 PM

Neri Miranda inilikas ang mga empleyado sa Cebu, humingi ng tulong para sa iba pang nasalanta

ILANG araw na rin ang nakakalipas buhat nang manalasa ang bagyong Odette pero hanggang ngayon ay dama pa rin ito ng mga residente na dinaanan ng bagyo kasama ang mga empleyado sa Cebu ng aktres at wais na misis na si Neri Miranda.

Ayon sa Instagram post ni Neri ay karamihan sa kanilang empleyado ay na-wash out ang mga bahay dahil sa nagdaang kalamidad.

Noong isang araw, December 19 ay nanawagan ang dating aktres kung saan sila pwedeng makabili ng tubig at pagkain para sa kanyang mga mga Cebu-based employees.

Sa latest update ni Neri ay ibinahagi niya na nasa mabuting kalagayan na ang kanilang mga empleyado.

“Nailikas na namin ang mga empleyado namin sa Cebu. May kinuha na kaming bahay para sa mga empleyado namin,” paglalahad ni Neri.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda)

Dagdag pa niya, okay na rin ang supply ng tubig at pagkain nila sy nakakapagpadala na rin ang mga ito ng reports sa kanya.

Bagamat sa ngayon ay maayos na ang lagay ng mga empleyado ni Neri ay marami pa rin sa mga residente ng Cebu ang labis na tinamaan ng bagyo at kasalukuyang walang tinutuluyan at walang pinagkukunan ng pagkain at tubig inumin.

Aniya, personal na nagpunta ang kanyang business partner sa mga pamilya na labis na naapektuhan na talagang durog na durog ang mga kabahayan.

“Kamakailan lang ang #supertyphoonOdette nagdulot ng matinding pinsala sa mga taga Cebu lalong lalo na sa mga naninirahan sa coastal areas ng Talisay City, San Fernando and Carcar City, Cebu. Thousands of houses are washed out and families are left in evacuation centers. Pati mga bangka nila na ginagamit nila panghanap buhay, nasira at ang iba nadala sa alon. Hindi lang sila nawalan ng bahay, nawalan din ng hanap buhay. What they urgently need now are clothes, clean water, food and material to rebuild their houses.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kumakatok kami sa inyong mga puso na tulungan natin ang mga napinsala sa Super Typhoon Odette. Bigyan natin sila ng pag asa bago mag Pasko,” panawagan ni Neri.

Related Chika:
Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending