Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao | Bandera

Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

Therese Arceo |December 20,2021
facebook
share this

Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

Therese Arceo - December 20, 2021 - 04:50 PM

Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

Isa ang Siargao kung saan naninirahan ang pamilya ng dating aktres na si Andi Eigenmann sa mga lubos na naapektuhan ng bagyong Odette kasama ang ilang kalapit na lugar gaya ng Cebu, Negros, Bohol, at Palawan.

Nasa Maynila ang buong pamilya ni Andi para um-attend ng kasal nang mangyari ang pananalasa ng bagyo.

Kahit ang mismong tinitirhan nila ng fiancé na si Philmar Alipayo ay hindi nakaligtas sa hagupit ng bagyo ngunit maswerte pa rin daw sila dahil hindi ito natulad sa mga titahan ng ibang residente na talagang nawasak.

Matatandaang kahit wala sila sa Siargao ay nagpo-post na si Andi at Philmar ng mga updates patungkol sa nangyayari sa kanilang probinsya at para humingi na rin ng tulong para sa mga kababayang binabayo ng bagyo.

Nang humupa na ang bagyo ay agad nang bumalik si Philmar sa Siargao Island para na rin magbigay tulong sa mga kapamilya at kaibigang nasalanta ng bagyo.

Labis ang kanilang kalungkutan ng personal na makita ang kinahinatnan ng paraisong isla na kanilang tinitirhan.

Mayroon ring siyang ibinahagi sa kanyang Instagram story kung saan makikita ang pinsalang dulot ng bagyo.

“Catangan. On the way to ours, wiped.”

At nitong December 19, in-upload ni Andi ang mga kaganapang nangyari noong i-celebrate nila ang birthday ng panganay na anak nila ni Jake Ejercito na si Ellie sa kanyang YouTube vlog.

Sa umpisa ng video ay ibinahagi muna nila ang patungkol sa pananalasa ng bagyo sa kanyang mahal na isla.

Dito ay ibinahagi niya na ang lahat ng kikitain ng kanilang mga vlogs simula sa birthday celebration ni Ellie ay ido-donate niya upang makatulong sa muling pagbangon ng Siargao.

“On December 16, 2021, typhoon Odette hit Siargao Island (and other neighboring islands and provinces) ans devastated our island home.

“We are grateful that our family and friends are safe, but most of them have lost their homes and are in need of food, water, among others.

“With this, we will be using our earnings from our coming videos to help slowly rebuild our island home again.

“Motindog ra ta pagbalik, Siargao,” saad ni Andi.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa mabuting puso ng aktres.

“Not skipping ads and will watch over and over again. Para kahit sa ganitong paraan makatulong sa mga nasalanta ni Rai lalo na sa Siargao. Thank you Ms. Andi for giving us a way to help even in the most simpliest way. Bangon Siargao! God is with you,” saad ng isang netizen.

“You are a blessing to the people of Siargao. Keep it up,” comment ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sana makabangon agad ang Siargao. Don’t skip ads. This is our own little way to help Andi and Philmar’s family to rebuild their homes,” sabi naman ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)

Related Chika:
Andi biglang naiyak nang mabasa ang message ng kaibigan matapos bayuhin ni Odette ang Siargao

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending