Andi biglang naiyak nang mabasa ang message ng kaibigan matapos bayuhin ni Odette ang Siargao | Bandera

Andi biglang naiyak nang mabasa ang message ng kaibigan matapos bayuhin ni Odette ang Siargao

Ervin Santiago |December 19,2021
facebook
share this

Andi biglang naiyak nang mabasa ang message ng kaibigan matapos bayuhin ni Odette ang Siargao

Ervin Santiago - December 19, 2021 - 04:30 PM

Andi Eigenmann, Philmar Alipayo and kids

NASIRA rin ang ilang bahagi ng bahay ni Andi Eigenmann at ng fiancé niyang si Philmar Alipayo sa Siargao matapos bayuhin ng super typhoon Odette.

Pero mas matindi pa raw ang naranasan ng mga kaibigan niya sa isla ng Siargao nang dahil sa pananalasa ng bagyo na nagsimula nitong nagdaang Huwebes, Dec. 16.

In fairness, maswerte pa ring maituturing ang pamilya ni Andi dahil pwede pang isalba kahit paano ang kanilang tahanan kumpara sa mga bahay ng karamihang residente sa Siargao na talagang wasak na wasak.

Kung matatandaan, nagsisimula pa lang ang paghagupit ni Odette sa isla ay nag-post na agad sa Instagram sina Philmar at Andi para ipaalam ang nangyayari sa kanilang probinsya.

Bukod sa Siargao, marami pang probinsya sa Visayas at Mindanao ang talagang nakaranas ng bagsik ng super typhoon kaya naman libu-libong Filipino na naman ang nangangailangan ngayon ng tulong.

Samantala, ibinahagi ni Philmar sa Instagram ang ilang bahagi ng bahay nila ni Andi na sinira ng bagyo at nagtumbahan din ang mga halaman sa harap ng kanilang gate.

“ATO BAYAY @ANDIEIGENGIRL KINAHANGLAN NA NATO NAG POLI NAN BOBONG (Ang ating bahay @andieigengirl Need na natin magpalit ng bubong),” ang caption ng surfer sa kanyang IG post.

Nauna nang sinabi ni Andi na wala sila sa Siargao habang binabayo ni Odette ang isla pero sunud-sunod din ang pagbibigay niya ng update sa social media sa mga kaganapan doon kasabay ng panawagan sa lahat ng may kaya na tumulong sa mga nabiktima ng kalamidad.

May isang video rin na ipinost si Andi sa Instagram Stories kung saan makikita ang pinsalang idinulot ni Odette sa lugar nila sa Catangnan, Siargao. Sabi ng aktres sa caption, “Catangnan. On the way to ours. wiped.”

Agad daw na umuwi sina Andi sa isla nang humupa na ang bagyo at hindi raw niya maiwasan ang maging emosyonal nang malaman ang kalagayan at kundisyon ngayon sa Siargao ng kanilang mga kaibigan at mahal nila sa buhay.

Talaga raw naiyak si Andi nang mabasa ang mensahe ng isa nilang kaibigan sa isla. Ibinahagi ng aktres sa social media ang Facebook post ng kaibigang si Marja O’Donnell tungkol sa naranasang bagsik ng bagyo.

Ayon kay Marja, nagpapasalamat sila na ligtas sila ng kanyang pamilya pati na ang kanilang mga kapitbahay ngunit napakahirap daw ng sitwasyon nila roon at talagang nangangailangan daw sila ng pagkain, damit at malinis na tubig.

“I burst into tears when marja messaged me. We are so grateful to finally hear from a loved one on the island and also to know that our family is safe.

“But the island is completely devastated and it would take time before Siargao recovers.

“All the help would be very much appreciated,” ang caption ni Andi sa kanyang post kasabay ng  pagpapasalamat sa lahat ng mga taong may mabubuting puso na walang sawang nagpapaabot ng tulong sa Siargao at sa iba pang lugar na binayo ng bagyong Odette.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Bahay ni Andi sa Siargao gagawing bed & breakfast; ABS-CBN wagi sa Philippine Quill Award

Yassi binisita ang pamilya ni Andi sa Siargao: I love when you see some of your real friends…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending