Julia nagse-share na ng secrets kay Alden: 'Alam ko na po kung bakit n'yo siya iniidolo, talaga namang deserving' | Bandera

Julia nagse-share na ng secrets kay Alden: ‘Alam ko na po kung bakit n’yo siya iniidolo, talaga namang deserving’

Ervin Santiago |September 10,2023
facebook
share this

Julia nagse-share na ng secrets kay Alden: ‘Alam ko na po kung bakit n’yo siya iniidolo, talaga namang deserving’

Ervin Santiago - September 10, 2023 - 07:55 AM

Julia Montes, Sharon Cuneta at Alden Richards

SA sobrang closeness ngayon ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at Kapamilya drama actress Julia Montes ay nagse-share na rin sila ng secrets sa isa’t isa.

Hindi lang sila basta magkatrabaho ngayon matapos ang shooting nila para sa kanilang first movie together na “Five Break-Ups and a Romance” kundi super friends na rin.

Aminado sina Alden at Julia na unexpected ang nabuong friendship at deep connection sa pagitan nila after doing their project na idinirek ni Irene Villamor.

Sa isang Instagram Live broadcast, nabanggit nina Alden at Julia na feeling blessed sila matapos mabigyan ng chance na maging close sa isa’t isa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Sa dami ko pong nakatrabaho and sa dami ko na pong naging projects, itong si Julia Montes ay talaga namang remarkable dahil hindi lang siya napakahusay na aktres.

“Mas lamang sa akin ‘yung pagkatao niya. Kaya ‘yung opportunity na makilala – not even nga makatrabaho, kasi ‘yung trabaho, bonus na sa akin – ‘yung mga sikreto naming dalawa at ‘yung mga napag-usapan namin sa journey na ito, sobrang fulfilling siya in all aspects sa trabaho at sa buhay,” pahayag ni Alden.

Para naman kay Julia, “Ito ‘yung first project na sobra kong na-enjoy and ang daming learnings. ‘Yung bitbit after work, alam mong mayroon kang mga kaibigan at isa ka na doon.

“Sa mga umiidolo kay Alden, alam ko na po kung bakit niyo idolo si Alden. Talaga namang deserving,” sabi pa ni Julia.

Baka Bet Mo: Kim nakabili ng ‘secret hideout’ sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni…parang bahay-bahayan

Samantala, tuwang-tuwa naman ang dalawa sa napakainit at napakapositibong pagtanggap ng publiko sa unang teaser ng kanilang movie. Ito yung confrontation scene nila na kinunan sa first day ng kanilang shooting.

“Nu’ng napanood ko, kinilabutan ako. Hindi dahil tayong dalawa ‘yun but ‘yung thought kasi na I can’t imagine if you’re the person mismo na nandoon sa sitwasyon, na you know your partner but you don’t want to blame also kasi parang wala ka namang hawak na ebidensya pero kilala mo kasi yung partner mo so at the end of the day, alam mong may something,” sey ni Julia.

Kuwento naman ni Alden, “Parang as sensitive actors as we are, ‘yung moment na ‘yun, we used it to our advantage para mapaganda ‘yung eksenang ginawa natin. Kasi si Jules parang hindi ko pa masyadong kilala at that time.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“So I was easily offended by the words you were throwing at me. Kasi kung ginawa natin ‘yun na sobrang lalim na [nang pagkakakilala natin sa isa’t isa], parang ang hirap masaktan kapag sa ‘yo galing,” aniya pa.

Tungkol naman sa nag-leak na kissing scene nila sa movie na ipinost ng direktor na si Antoinette Jadaone sa Instagram na may permiso naman ni Direk Irene.

“I had no idea na lalabas siya. Nakaka-tense din. Slowly, parang mas nadagdagan ‘yung excitement ko after that leaked video and the scene drop as we see the feedback of our audience. In reality po, patikim lang po talaga ito,” ani Alden.

Sey naman ni Julia, “Ang sarap lang sa pakiramdam na kapag may kaeksena ka, hindi ka na napre-pressure kung paano pipigain ang sarili mo to bring out kung anong hinihingi ng scene. Sa atin, parang every scene, titigan lang, nagco-connect na tayo.

“Kung mapapanood niyo po ‘yung film, excited po talaga kami kasi ang dami doon na wala sa script pero dahil nadama namin ‘yung characters… talagang tinamaan kami.

“May hinihingi yung script pero sumobra ‘yung bigay kasi full of emotions. Ang sarap lang gumawa ng ganitong proyekto,” dugtong pa ng aktres.

Janelle Tee inatake ng matinding hiya kay Joey Reyes: Intimidating, siyempre kasi baguhan lang akong artista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michelle Dee inamin na ‘open secret’ ang pagiging bisexual, aprub kay Melanie Marquez: She never made me feel there’s something wrong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending