Julia ibang level sa 'Five Break-Ups and A Romance' with Alden

Julia Montes ibang level sa ‘Five Break-Ups and A Romance’ with Alden Richards: ‘Ibang-iba ang aktres sa pelikula!’

Reggee Bonoan - September 01, 2023 - 05:34 PM

Julia Montes pasabog ang mga eksena sa 'Five Break-Ups and A Romance' with Alden Richards: 'Ibang-iba ang aktres sa pelikula!'

PHOTO: Screengrab from Cornerstone Studios

SIGURADONG maninibago kayo kay Julia Montes sa inaabangang bago niyang pelikula with Alden Richards!

‘Yan ang ipinagmamalaking sinabi ng handler mismo ng aktres na si Mac Merla ng Cornerstone sa BANDERA.

Eksaktong sey niya sa amin, “Ibang-ibang Julia ang mapapanood mo dito sa movie nila ni Alden, Reggee. Mapa-proud ka sa kanya!”

Ang binabanggit ni Mac ay ang pelikulang “Five Break-Ups and A Romance” na sinulat at idinirek ni Irene Emma Villamor na malapit nang mapanood ngayong 2023 handog ng Cornerstone Studios, GMA Pictures at MYRIAD Corporation.

Sabi pa nga namin, isa kami sa nagulat sa inilabas na video ni Direk Antoinette Jadaone na kissing scene nina Julia at Alden dahil talagang napapayag na ang aktres sa mga ganitong eksena.

“Actually nu’ng i-pitch ito kay Juls (pet name ng aktres), sabi ko kay Direk Irene (Villamor) babasahin muna namin ang script ganu’n naman talaga ang usual na sagot di ba?  E, nagulat ako wala pang 5 minutes nu’ng i-pitch, bilang nag yes siya gusto niyang gawin,” pagtatapat ni Mac.

Dagdag pa niya, “Sabi ko, bakit ka nag-yes agad?  Sabi niya, ‘kuya napakaganda ng presentation sa akin at tiwala ako kay Direk Irene at Alden kahit hindi ko pa sila nami-meet.’ Nu’ng time na ‘yun hindi pa nami-meet ni Julia ‘yung dalawa.”

Baka Bet Mo: Alden, Julia may halikan at love scene sa ‘Five Break-ups And A Romance’; ipaparamdam ang hugot na, ‘Love is a very complicated thing’

Biro namin na hindi na “bebe gurl” si Julia bilang ito kasi ang nakasanayang tawag sa aktres dahil nga siya ang pinaka-bunsong alaga ng Cornerstone.

“Oo, hindi na siya bebe gurl matured na siya tapos alam mo Regs, ibang Julia siya rito (sa movie).  Lahat ng mga nakapanood na (ABS-CBN executives), napakahusay niya (Julia), hindi dahil alaga ko siya ha, maiintindihan mo ako kapag napanood mo,” kwento ng handler ng aktres.

Chika pa niya, “Hindi natin nakikitang nagki-kissing scene siya ‘diba?  Hindi lang kissing scene ‘yun may lovescene pa, basta panoorin mo. Maganda ang pagkakagawa ni Direk Irene.”

Biro nga namin kung may masa-shock ba sa mga eksenang ginawa ni Julia at kung may pinagpaalamanan siyang gawin ito.

Natawa muna sa amin ang handler ng aktres at sabay sabing, “parang hindi.  Alam lang siguro may project pero kasi si Julia ang nagde-decide kung ano ang mga gagawin niya, kami as management siyempre susunod din sa talent kung gusto o ayaw gawin kasi at the end of the day, sila ang gagawa.”

May ibang mga managers kasi na pinipilit ang kanilang mga talents na gawin ang isang project kahit hindi naman ito gustong gawin ng may katawan kaya ang ending may mga isyung naghiwalay o kaya nag-away ang talent at manager.

Samantala, sa scene drop ng “Five Break-Ups and A Romance” kaninang 2 p.m. ay maraming tumawag sa amin na i-post namin ang isa sa teaser dahil ang galing nga raw ng acting ni Julia na nakipagsabayan talaga kay Alden.

Sabi ng direktor na tumawag sa amin, “Fucked that woman! Huy, ang husay nu’ng dalawa (Alden at Julia), bagay sila ang ganda ng chemistry.  Sana masundan itong movie nila.”

Oo nga nagulat din kami na may mura palang sinabi si Julia, hindi na napansin kasi nga dalang-dala sa eksena.

Related Chika:

Alden kay Julia: ‘Isa siya sa mga naka-partner ko na walang pretensions, nararamdaman ko ang sincerity’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Charlie nailang sa kissing scene nila ni Carlo sa ‘Third World Romance’: ‘First time kong makakahalikan ‘yung tunay kong boyfriend sa eksena’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending