Julia Montes, Alden Richards naniniwala sa second chance, may kanya-kanyang paliwanag sa isyu ng 'cheating' | Bandera

Julia Montes, Alden Richards naniniwala sa second chance, may kanya-kanyang paliwanag sa isyu ng ‘cheating’

Ervin Santiago |October 17,2023
facebook
share this

Julia Montes, Alden Richards naniniwala sa second chance, may kanya-kanyang paliwanag sa isyu ng ‘cheating’

Ervin Santiago - October 17, 2023 - 07:29 AM

Julia Montes, Alden Richards naniniwala sa second chance, may kanya-kanyang paliwanag sa isyu ng 'cheating'

Julia Barretto at Alden Richards

MAY kanya-kanyang paniniwala ang lead stars ng “Five Break-Ups and A Romance” na sina Julia Montes at Alden Richards pagdating sa isyu ng “cheating.”

Sinagot nina Julia at Alden ang tanong kung dapat na bang tapusin ang isang relasyon kung ang isa sa magdyowa ay nagloko na o kailangan pang bigyan ng second chance.

Para kay Julia, hindi naman kasalanan o pagtatraydor sa sarili kung bigyan pa ng ikalawang pagkakataon ang partner na nagloko o nagtaksil.

“Wala namang perfect. In a relationship, mayroong isa, hindi ko naman nilalahat, baka dalawa kayong nagkamali for a time.

“Pero hindi naman necessarily na kapag nagkamali sa iyo ay hihiwalayan mo na agad.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Minsan baka rin pwede kang magtanong nung time ba na ‘yon, nung nangyari ‘yon ay may pagkukulang ka ba kaya nangyari yon?” paliwanag ng dyowa ng Teleserye King na si Coco Martin sa panayam ng “Magandang Buhay.”

Baka Bet Mo: Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Pagpapatuloy pa niya, “Pero kung wala, doon ka na magtanong sa sarili mo na ‘ah teka lang?’ doon naman mag-iiba ang kuwento.

“So parang feeling ko cheating kapag ilang beses na, too much. Pero kapag ‘yung nagkamali, nadapa, well ako ang mindset ko lang kapag nadapa ba ang isang tao, sino ang gusto mong magtayo sa kanya? Ibang tao na? Ibang babae na o ikaw pa rin na partner?” ang sey pa ng aktres.

Sa naging sagot naman ni Alden, mukhang iba rin ang paniniwala niya about cheating pero sumang-ayon naman siya sa ilang punto ni Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


“Ako naman may point of view naman diyan, when you get into a relationship, alam mo kung ano ang papasukin mo, alam mo ang commitment mo sa partner mo and both of you should know.

Baka Bet Mo: KD Estrada, 5 Flex campaigners kanya-kanyang depensa sa isyu ng ‘modern masculinity’

“Ngayon ko lang kasi narinig lumabas kay Juls ‘yon. Pero tama eh, na ‘yun nga kapag nadapa ba ‘yung partner mo hahayaan mo ba na iba pa ang magtayo?

“Ganu’n kasi kapag nasa isang relationship ka o any commitment in your life, mas maganda na ginawa mo na lang lahat ng kaya mong gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon kung hindi mag-work ay no regrets on your part,” sey pa ng Asia’s Multimedia Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending