Coco Martin nag-sorry kay Celia Rodriguez, anyare?!
GRABE ang paghanga ng beteranang aktres na si Ms. Celia Rodriguez kay Coco Martin dahil bukod sa mabait na ay marami pa raw taong natutulungan.
“Coco is one man that I salute and take-off my hat,” bungad ng aktres sa panayam niya sa “Ogie Diaz Inspires” na mapapanood sa YouTube.
“Why?” tanong ni Ogie.
Baka Bet Mo: Sylvia Sanchez aprub kay Zanjoe para kay Ria: Gustong-gusto ko siya!
“Nakita mo ba ‘yung Ang Probinsyano at ang Batang Quiapo? All (almost) of them are old people hindi ko naman sinabing old (as in matanda na) kundi matatagal ng mga artista and they’re all there.
“Coco had been helping them a lot at sa awa naman ng Panginoon kumikita nang katakut-takot kasi kapag ganu’n (bukas) ang palad mo papasok ang grasya, pag ganu’n (sarado ang kamay) ka, ang grasya hindi nadadagdagan ang grasya. And Coco is like that (bukas palad),” kuwento ng mahusay na aktres.
View this post on Instagram
Na-experience na ni Ms. Celia kung gaano matulungin ang aktor-direktor at producer ng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil hindi siya nagdalawang-salita nang humingi siya ng tulong para sa isang kaibigan na namatayan ng asawa.
“It happened to me once when I needed a help from him for a friend who’s husband is dying and I don’t know him. He (Coco) knows me as Celia Rodriguez.
“My friend is crying over the phone and her husband is dying, tinawagan ko si Coco, I asked Lorna Tolentino at ibinigay ang number, ring nang ring walang sumasagot.
“Tapos after tumawag siya sabi niya, ‘Tita, I’m so sorry but I was in Batang Quiapo. I’m the director, I’m the actor, sorry Tita hindi ako nakasagot.’ Imagine asking for an apology?
Baka Bet Mo: Celia Rodriguez umaalma kapag bobo ang katrabaho; fan na fan ni Ate Guy
“Then asked me ‘what can we do for you tita’, tapos sabi ko it’s not me, so ikinuwento ko then he asked me the account number at papadalhan daw niya ng pera and he did the following day nandoon na sa bangko.
“Doon ako bilib na tumulong sa akin si Coco nang katakut-takot na he doesn’t even know me in person and doon ako bilib.
View this post on Instagram
“He knows how to share kasi life is sharing. Kahit multi-millionaire ka kapag hindi ka marunong tumulong sa kapwa basura ka sa akin,” sabi ng beteranang aktres.
“He is a young boy and I heard so many stories about Coco helping other people. Kaya ang text ko sa kanya, ‘the industry needs you.’ Bilib ako sa batang ‘yun, sana tularan n’yo si Coco Martin.
“Kaya kita mo lahat ng pasukan niya (successful) kasi ang Panginoon he knows your heart, eh,” kuwento ni Ms. Celia.
Pero kapag siya raw ang mangangailangan ay hindi siya humihingi ng tulong, “Nahihiya ako, eh pero malakas ang loob ko pag para sa ibang tao.”
Nabanggit pa niya na, “Kung ako nakahiga rin sa pera tutulong din ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.