Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal? | Bandera

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal?

Reggee Bonoan |November 10,2022
facebook
share this

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal?

Reggee Bonoan - November 10, 2022 - 11:48 PM

Coco Martin, Julia Montes sweet na sweet sa dinaluhang birthday party; matagal na nga bang kasal?

Coco Martin at Julia Montes

LUMABAS sa memories ng Facebook page namin na noong 2012 pala ay nasulat naming hiwalay na sina Julia Montes at Enchong Dee at ang itinuturong dahilan ay si Coco Martin.

Tandang-tanda namin na may presscon noon si Enchong at inamin niyang nalulungkot siya sa nangyari sa kanila ni Julia at nabanggit nga namin ang pangalan ni Coco na mas lalo niyang ikinalungkot.

Pero nagparaya ang aktor noon, kung saan daw masaya ang aktres ay okay sa kanya.

Itinanggi naman ng Star Magic noon ang tungkol kina Julia at Coco.  Huwag daw bigyan ng kulay dahil magkatrabaho lang sila.

Kung 2012 pa ang tsikang Julia at Coco, meaning 17 years old palang noon ang aktres dahil 27 years old na siya ngayong 2022. Kaya naman pala hindi pa puwedeng aminin noon dahil menor de edad pa ang aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)


In fairness, ang tagal palang naghintay ni Coco, huh? Inalagaan niya ang pagdadalaga ni Julia hanggang sa maging mature na ito.

Kaya namin naalalang isulat ito ay dahil may nagtsika sa amin na sweet sina Julia at Coco at normal na silang nakakakilos bilang magkarelasyon sa nakaraang birthday party ng Dreamscape Entertainment head na si Mr. Deo T. Endrinal.

“Alam naman na ng buong ABS-CBN na sila na. Maski naman ang publiko di ba, alam na sila na? Wala lang formal announcement. Kailangan pa ba ‘yun?” sabi ng kausap naming nasa party ni Sir Deo.

Anyway, may nagtanong sa amin kung kasal na sina Coco at Julia base na rin daw sa mga suot nilang singsing.

Opinyon namin ay hindi pa at siguro naman kung sakaling may plano ang CocoJuls  ay hindi nila ipagdadamot sa fans nila na matagal na silang sinusuportahan.

At dahil 2012 pa namin naisulat ang kuwento tungkol kina Coco at Julia, ibig sabihin 10 years na ang relasyon nila?

Julia Montes miss na miss na ng fans kaya may ‘paramdam’ sa ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julia Montes umaming super in love ngayon; ‘yes’ agad ang sagot kapag niyayang pakasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending