Kapatid ni Donny na si Benj nilabas na ang first music video

Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj nilabas na ang first music video, mala-’short film’ ang peg

Pauline del Rosario |July 09,2023
facebook
share this

Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj nilabas na ang first music video, mala-’short film’ ang peg

Pauline del Rosario - July 09, 2023 - 02:55 PM

Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj nilabas na ang first music video, mala-’short film’ ang peg

PHOTO: Courtesy Sony Music Entertainment

NAGLABAS na ng music video ang baguhang singer na si Benj Pangilinan para sa debut single niya na “Love, That’s Rare.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Benj ay kapatid ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan.

Bukod diyan, siya rin ang pinakabagong recording artist sa taong ito under Sony Music Entertainment, ang music agency ng ilan sa mga bigating music artists gaya ng P-Pop royalty na SB19 at multi-awarded band na Ben&Ben.

Nauna nang naikwento ng rising act na ang kanyang debut single ay tungkol sa mga naging karanasan niya pagdating sa pag-ibig.

Baka Bet Mo: Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj certified singer na rin, naglabas ng debut single

Ang kanyang kanta ay prinoduce ni Xerxes, ang song producer rin ng American pop rock band na Imagine Dragons at American rapper na si Snoop Dogg.

Samantala, ang kanyang music video ay mula sa direksyon ng Pinoy filmmaker na si Gilb Baldoza, habang ang visuals nito ay nagmula mismo sa ideya ng singer at ng kanyang kapatid na si Hannah.

Pagbubunyag ni Benj, bukod sa nag-enjoy siyang makatrabaho si Direk Gilb ay marami rin siyang natutunan sa paggawa ng short film.

“We wanted to try our best to tell a story that made people see a different side of Love and all that it brings,” sey ni Benj.

Ani pa niya, “Working with Direk Gilb was super fun. His energy is infectious. I learned so much from him on the process of what it takes to create a short film.”

Kahit nanggaling sa lahi ng mga well-respected entertainers, gusto ni Benj na makilala sa kanyang sariling craft.

Ayon sa singer, nais niyang pagtuunan ang paggawa ng mga musika na siyang ipapakita ang kanyang tunay na pagkatao.

“I’m not trying to impress anyone,” Pag-amin niya.

Dagdag pa niya, “I guess I just try to focus on being as authentic as possible to shine His light on others.”

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maricel Laxa ‘kinausap’ ni Lord noong ooperahan ang anak sa puso: ‘He is mine, who are you?’

Lovely Abella, Benj Manalo magtatayo ng ‘first-ever live selling mall’ sa Pinas: Marami pa tayong ilalaban!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending