Pokwang bukas sa pag-ibig, bet maging Miss Universe si Malia

Pokwang bukas sa pag-ibig, bet pa ring maging Miss Universe si Malia

Pauline del Rosario - June 15, 2024 - 03:58 PM

Pokwang bukas sa pag-ibig, bet pa ring maging Miss Universe si Malia

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

“ANG puso ko naman ay talagang bukas sa pagmamahal.”

‘Yan ang deretsahang sinagot ng comedienne-actress na si Pokwang nang usisain ni Boy Abunda kung bukas pa rin ang puso niya sa bagong pag-ibig sa kabila ng pinagdaanan niya sa estranged partner na si Lee O’Brian.

Paliwanag ng komedyana, “Natatandaan mo Tito Boy ‘nung nag-usap tayo sa isang programa mo, tinanong mo ako, ‘what is love?’ Sabi ko, ‘God is love.’ So dapat hindi tayo nagsasara ng love [dahil] ibig sabihin, parang nagsara ka kay God.”

Nang kamustahin naman siya ng binansagang King of Talk, ang sabi ni Pokwang: “Okay ako ngayon Tito Boy.”

Giit niya na may halong biro, “Wala akong stress dahil tanggap na tanggap ko na ako na ang magbabayad ng tuition.”

Baka Bet Mo: Pokwang sa bunsong si Malia: Kahit ka-fez mo ang pinaka-hate kong tao sa mundo, mamahalin kita

“Dati kasi parang umaasa ka lang sa wala. Ngayon, talagang alam mo na wala na,” chika pa niya.

At bilang nabanggit na ni Pokwang ang pagiging single mom, kinamusta ni Tito Boy ang anak ni Pokwang na si Malia.

“She’s okay,” sey ng komedyana sa lagay ng kanyang baby.

Follow-up na tanong naman ng TV host kung nagtatanong daw ba ang anak niya tungkol sa amang si Lee.

Saad ng celebrity mom, “No. No. Never ever.”

Kasunod niyan, usisa ni Tito Boy: “Gusto mo pa rin siyang (Malia) maging Miss Universe?”

“Yes, of course! Siyempre, magbibigay ng karangalan sa bansa,” proud na sambit sa kanya ng komedyana.

Ibinida rin ni Pokwang na sa murang edad pa lang ay tila nagte-train nang mag-isa si Malia pagdating sa pagrampa at posing.

“Ay, may kusa siya…Sa bahay, pag-uwi niyan didiretso siya sa walking closet ko then magbibihis nang magbibihis doon tapos gustong ivi-video ko siya,” proud na saad ng aktres habang umiikot-ikot na tila ipinapakita ang ginagawa ng kanyang anak.

Kung matatandaan, taong 2021 nang makipaghiwalay si Pokwang sa dating partner na si Lee.

Ilan sa mga rason kaya niya ito iniwan at pinalayas sa kanyang bahay ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila na si Malia.

Noong December 23 naman nang pinanigan ng Bureau of Immigration (BI) ang hiling ng Kapuso actress na mapa-deport ang dating partner.

Base sa walong pahinang resolusyon na inilabas noong December 12, inuutusan ng BI na mapa-deport si Lee dahil sa naging paglabag nito sa mga alituntunin at kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa.

Ayon sa complaint na inihain ni Pokwang, ang nire-renew ni Lee ay ang kanyang tourist visa kahit na ang dahilan ng pananatili niya sa bansa ay ang pagtatrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nitong Enero naman nang mag-file si Lee ng voluntary deportation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending