Pokwang sa bunsong si Malia: Kahit ka-fez mo ang pinaka-hate kong tao sa mundo, mamahalin kita | Bandera

Pokwang sa bunsong si Malia: Kahit ka-fez mo ang pinaka-hate kong tao sa mundo, mamahalin kita

Therese Arceo |July 11,2023
facebook
share this

Pokwang sa bunsong si Malia: Kahit ka-fez mo ang pinaka-hate kong tao sa mundo, mamahalin kita

Therese Arceo - July 11, 2023 - 06:19 PM

Pokwang sa bunsong si Malia: Kahit ka-fez mo ang pinaka-hate kong tao sa mundo, mamahalin kita
IBINANDERA ng Kapuso actress at comedienne na si Pokwang kung gaano niya kamahal ang bunsong anak na si Malia.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang super cute na larawan ng anak kalakip ang kanyang short but sweet message para sa bunso.

“Kahit ka fez mo ang pinaka hate kong tao sa mundo, mamahalin kita ng todo,” saad ni Pokwang.

Pangako rin niya sa anak, “Ibibigay ko ang buhay na masagana. Pangako yan.”

Hindi naman kaila sa madlang pipol na not in good terms sina Pokwang at ang ama ng bunso na si Lee O’ Brian.

Matapos ang ilang taong pagsasama ay naghiwalay na nga sila noong November 2021.

Ngunit July 2022 lang nang usisain ng mga netizens kung hiwalay na nga ba ang dalawa matapos nilang mapansin ang pagpapalit ng brand name at logo ng kanilang business noon na PokLee products.

Baka Bet Mo: Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

February 2023 nang ihayag ni Ogie Diaz sa isa sa episode ng kanyang “Showbiz Update” na may bago na nga raw babae si Lee at pakiramdam ng kanyang kaibigan na never siyang minahal ni Lee sa kabila ng pagkakaroon nila ng supling.

Maski noong mag-guest ito sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay naiiyak nitong inamin ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Umaasa ako na maaayos pa kami, kahit ang sakit-sakit na sa akin. Kailangan kong magsinungaling kasi umaasa ako na aayusin pa niya, magkakaayos pa kami,” pagbabahagi ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “Marami akong ibinigay na chance. Marami akong mga ibinigay na signals sa kanya na, ‘Please, ayusin mo naman ito para kay Malia’… Handa akong lunukin lahat. Buuin mo lang kami. Mabuo lang tayo ulit.'”

Ngunit sa huli ay naghiwalay na ng tuluyan sina Lee at Pokwang.

Nitong Hunyo lang nang nagpasa ng reklamo ang Kapuso star upang ipa-deport si Lee pabalik sa bansa nito.

“Para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko,” sey ni Pokwang.

Naghain naman ng counter affidavit si Lee sa kasong finile ng Kapuso actress.

Related Chika:
Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending