Pokwang pinaringgan ang lolo't lola ni Malia: 'Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?' | Bandera

Pokwang pinaringgan ang lolo’t lola ni Malia: ‘Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?’

Ervin Santiago |May 17,2023
facebook
share this

Pokwang pinaringgan ang lolo’t lola ni Malia: ‘Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?’

Ervin Santiago - May 17, 2023 - 09:52 AM

Pokwang pinaringgan ang lolo't lola ni Malia: 'Kahit minsan wala man lang pa-package, tapos mahal daw nila apo nila? Saan?'

Pokwang at Malia

MARAMING naka-relate sa mga bagong hugot ng Kapuso comedienne na si Pokwang na may kaugnayan sa pamilya ng kanyang dating partner na si Lee O’Brian.

Nakakaloka ang rebelasyon ng komedyana na inispluk niya sa kanyang Instagram account nitong nagdaang Lunes, May 15, sa pamamagitan ng isang video.

Ipinakita ni Pokie ang mga regalong damit ng kanyang mga fans mula sa ibang bansa para sa anak niyang si Malia at kasabay nga nito ang patutsada niya sa mga magulang ni Lee na naninirahan sa Amerika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Walang pangalang binanggit ang Kapuso TV host sa kanyang post pero naniniwala ang mga netizens na ang parents ng dati niyang partner na sina Bill at Marilyn O’Brian ang tinutukoy nito.

Sey ni Pokwang, “Thank you sa mga hindi naman kadugo ni Malia pero lagi sya naaalala kahit sa maliit na bagay (heart, praying hands emojis) mga friends and followers sa ibang bansa UK, UAE at sa USA.

“How ironic may kamag anak sya doon ni minsan kahit lampin at bigkis bago ako manganak till now waley haahahahhaa iba din ano?” ang pahayag ni Pokie.

Baka Bet Mo: Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Ilang IG users ang sinagot ng komedyana na nagkomento sa kanyang rebelasyon. Comment ng isa niyang follower, “Nakakarelate ako. Katibay ng dibdib ng mga ganyan lalaki at pamilya. Kaya doble doble ang sikap ng mga single mother like us. Pero nakakaproud bilang babae na kayanin ang lahat para sa anak.”

Reply sa kanya ni Pokwang, “Kaya ko naman ibili ng gamit mga anak ko pero kasi yung thought na alam mong may kamag anak sya doon at sabik na bilhan sya ng kahit maliit na bagay sa pag welcome sa kanya sa earth.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sabi naman ng isa pang netizen, “Hello miss pokwang!!! Be happy na Lang Po. stop being so negative thank you just a little advice.”

Sagot ng komedyana, “Sabihin mo kay Lee stop being narcissistic at pa victim tapos alis na sya sa pinas para happy na kami ni Malia for life.”

Hirit ng isa pang follower ni Pokey, “Bka wlang wla Ang family don ni lee, how sad nman.” Na sinagor ni Pokwang ng, “Nope may kaya sila kahit papano.”

Isang IG user naman ang nagsabing naiyak siya nang mabasa ang post ni Pokwang, “Napaiyak mo ako dito. kahit bigkis wala, pero may pang cheers and tables.. Malia is loved by genuine people and deserves to be loved.”

Sagot ni Pokie sa tanong ng netizen, “Sa pagkakaalala ko talaga wala since bago ako manganak at ngayon na malaki na sya hahahaha kapag nasa US si Malia na madalas ako pa nagbabayad ng pamasahe bawas sa tf ko kapag may show ako sa US doon lang mga ilang piraso hahahaha!”

Naka-relate naman ang isang IG user sa  kuwento ni Pokwang, “I feel you po. May ganyan po talagang kamag anak. Been there. Tapos parang nakikipag kumpetensya pa sa apo. Sasabihin na mahal nila yung bata hindi naman makita kung saang banda nila mahal.

‘Mahal lang kapag nakakapag bigay ang magulang nung bata pero kapag hindi, who u saknila ang bata.. Pero kapag times na kelangan sila ng bata, hindi na sila mahagilap,” sabi pa nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


Sagot ni Pokwang, “Ni wala nga nag e effort ni isa na makausap ang apo nila e pagbibigyan ko naman hahahaha dedma sila pwes mas dedma ako sakanila hahahaha.”

Bukod nga sa mga ito ay may ipinost din si Pokie sa kanyang Instagram Story, “Buti pa ibang tao, mahal si @malia_obrian, yung lolo at lola kahit minsan wala man lang pa-package… Tapos mahal daw nila apo nila? Saan?”

“More package for @malia_obrian from our friend and avid follower from UK buti pa sila naiisip lagi si Tisay.

“For malia_obrian from avid follower and friends sa UAE. Thank you my love. Yung mga kadugo nya sa tates walis kahit lampin bago ako manganak man lang dati till now kaloka,” aniya pa.

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang inaming hindi nagustuhan ni Lee nang malamang preggy siya, ipapabago ang apelyido ni Malia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending