Vice naloka sa babaeng nag-shoutout sa ‘kabit’: ‘Ano ka ba, ang dami na naming issue, dadagdag ka pa!’
NAWINDANG ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa babaeng contestant sa “It’s Showtime” nang batiin nito on national TV ang kanyang “kabit.”
Pinagalitan ng TV host-comedian ang isang studio contestant sa segment ng kanilang segment na “Rampanalo” kahapon, August 30, nang mag-shoutout ito sa kanyang mister, na tinawag niyang “kabit”.
“Shoutout sa asawa ko… ay sa kabit ko, sorry,” ang pasigaw na pagbati ni Jennylyn. Mabilis naman siyang pinagsabihan ni Vice Ganda.
“Uy, no! Hindi natin sina-shoutout ’yun. That’s very wrong. Okay. Hindi ipinagmamalaki ’yan ate,” ang talak ng komedyante kay ate girl.
Agad namang nag-sorry ang female contestant pero ang sabi sa kanya ni Vice, “Kahit na, hindi, hindi maganda yung salitang ’yon, lalo na sa tanghali. Ano ka ba, ang dami na naming issue, dadagdag ka pa. Babu!”
“Sorry, sorry Meme Vice,” ang sey naman ng contestant.
“Yes. We don’t normalize and romanticize that,” sabi pa sa kanya ng TV host.
Nauna rito, isang lalaking contestant din ang ni-real talk ni Vice na umaming may 12 anak sa iba’t ibang babae.
Baka Bet Mo: Xian Gaza kinumpirmang nililigawan ni Bobby Ray Parks Jr. si Zeinab Harake, nilinaw na hindi kabit ang bff
“Parang isang basketball team. Ito yung mga Pilipinong sumusunod kay Sen. Bato (dela Rosa) na magparami raw ng population para maghati-hati sa utang ng Pilipinas. At isa ka sa mga sumunod,” ang natatawang sabi ni Vice sabay kunwari’y kinurot at hinampas ang kaharap na contestant.
Sabi ng lalaki, nasa pangangalaga niya ang walo sa kanyang mga naging anak sa huli niyang nakarelasyon habang nasa mga dati niyang partner ang natitirang apat.
Paalala ni Vice, hindi tama ang mag-anak ng marami kung hindi naman kayang mabigyan ng mga magulang ang mga ito ng maayos at magandang buhay, “Masama ang magpunla ng iba’t ibang pananim sa iba’t ibang lupain!”
“Mayaman ka ba kuya?” sundot na tanong ni Vice na sinagot naman ng contestant ng, “Hindi po.”
“Yun naman pala, e! Kapag mahirap wag na masyadong maraming anak kawawa yung mga bata kung hindi mo mabibigyan ng magandang-magandang buhay,” sabi ni Vice Ganda.
Hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) tungkol sa sunod-sunod na reklamong natatanggap nila laban sa “It’s Showtime.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.