Anne Curtis 2 weeks nang absent sa 'It's Showtime', sumabak sa military training; saludo sa lahat ng sundalong Pinoy | Bandera

Anne Curtis 2 weeks nang absent sa ‘It’s Showtime’, sumabak sa military training; saludo sa lahat ng sundalong Pinoy

Ervin Santiago - August 31, 2023 - 07:28 AM

Anne Curtis 2 weeks nang absent sa 'It's Showtime', sumabak sa military training; saludo sa lahat ng sundalong Pinoy

Anne Curtis

DALAWANG linggo na ngayong hindi napapanood sa “It’s Showtime” ang Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis.

Kaya naman nagtataka ang madlang pipol kung ano ang dahilan kung bakit hindi na nila nakikita si Anne sa naturang Kapamilya noontime program — ano nga ba ang nangyari?

Nagpaliwanag naman si Anne tungkol dito at sinabing kailangan niya munang mag-absent sa “Showtime” para tapusin ang ilang trabahong natanguan niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“I’m working on something special with Direk Erik Matti, so that’s why I haven’t been on ‘Showtime.’

“I know people have been asking nasaan ka, but I have been preparing and training for a special project with Erik Matti,” ang pahayag ni Anne sa panayam ng ABS-CBN.

Pagbabahagi pa ng aktres, talagang nag-stay siya sa isang military camp sa loob ng dalawang araw para personal na saksihan ang matinding military training na pinagdaraanan ng mga sundalong Pinoy.

Baka Bet Mo: Xyriel Manabat tinupad ang naudlot na 2021 bucket list

Sa kanyang Instagram account, nag-post pa si Anne ng ilang litrato na kuha sa pinagdaanan niyang training kasama si Direk Erik at ang mga miyembro ng 201st Infantry Kabalikat Brigade ng Armed Forces of the Philippines.

“Very challenging, of course, physically and mentally. But it was great to really immerse and get the feeling on what I have to prepare, physically and mentally, for the role that I am set to do.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“We stayed there two days and overnight. We woke up early, we did the obstacles early in the morning.

“We ran with them. Ang ating mga sir and ma’am, hello sa inyo, maraming salamat ulit sa patience ninyo,” chika pa ng TV host at aktres.

“It’s very difficult. It’s a lot of dedication. Sabi ko nga, the very next day was Araw ng mga Bayani so it was just so apt to do a snappy salute ‘coz they are our modern-day heroes,” dagdag ni Anne.

Pangako naman ng celebrity mom sa madlang pipol nang matanong kung kailan siya babalik sa “It’s Showtime,” “Malapit na. As soon as wala na akong training, babalik agad ako sa ‘Showtime.’ Hinahanap na nga ako.”

Ruru sa totohanang action scenes nila ni Paul sa Lolong: Maraming beses po talagang nagkasakitan kami

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang female celeb ilang beses nang nag-positive sa COVID-19, hanggang ngayon naka-quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending