Pokwang unang nakatikim ng sampal kay Jean, Jayson Gainza hinamon
NA-EXPERIENCE mismo ni Jayson Gainza kung gaano kasakit manampal ang premyadong aktres at la primera contravida na si Jean Garcia.
Napasabak sa bonggang aktingan with matching sampalan si Jayson nang bumisita si Jean sa morning variety show nilang “TiktoClock” sa GMA 7 kamakailan.
Game na game si Jayson na nagpasampal kay Jean sa kanilang acting showdown kung saan nag-dialogue pa ang seasoned actress na, “Tanggalin ko muna kaya ang relo ko?”
Matapos ang nakakalokang eksena, nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat ng nasa “TiktoClock” studio at binati si Jayson dahil nakayanan niya ang sampalan challenge.
View this post on Instagram
Samantala, ibinahagi naman ng isa sa mga “TiktoClock” hosts na si Pokwang ang trivia na siJean daw ang unang aktres na sumampal sa kanya sa isang acting project.
Pag-alala ni Pokey, “Si Ms. Jean po ang kauna-unahang natikman kong sampal sa showbiz.” Talaga raw kinarir niya ang naturang eksena para hindi siya mapahiya.
“Isang karangalan po ‘yun dahil humusay ako sa pag-acting noong araw na ‘yun. Ginalingan ko kasi ayoko ma-take two!” sey ni Pokey.
* * *
Malapit nang rumampa uli sa red carpet ang biggest and brightest stars ng Philippine showbiz.
Nine days na lang at mukhang ready na ang ating mga Kapuso stars sa kanilang looks this year. Masisilayan na rin ang kanilang glamorous outfits na siguradong agaw eksena this GMA Gala 2024!
Para mas ramdam ang excitement, ginanap ang kauna-unahang pre-GMA Gala dinner sa The Whisky Library organized by Sparkle GMA Artist Center.
Sa pangunguna nina Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle Vice President Joy Marcelo, nagkaroon ng simpleng gathering ang Kapuso artists bilang pasasalamat ng GMA Network.
Star-studded ang kauna-unahang Pre-GMA Gala dinner dahil sa pagdalo nina Dingdong Dantes, Michelle Dee, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Miguel Tanfelix, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at marami pang iba.
Para sa iba pang updates, tumutok lang sa social media accounts ng Sparkle GMA Artist Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.