Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita ang larawan ni 'Lee': Wala sa usapan natin 'yan | Bandera

Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita ang larawan ni ‘Lee’: Wala sa usapan natin ‘yan

Therese Arceo |July 12,2023
facebook
share this

Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita ang larawan ni ‘Lee’: Wala sa usapan natin ‘yan

Therese Arceo - July 12, 2023 - 05:48 PM

Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita si Lee O' Brian: Wala sa usapan natin 'yan
MULING nag-open up ang Kapuso actress-comedienne na si Pokwang ukol sa kanilang paghihiwalay ng dating partner na si Lee O’ Brian.

Sa kanyang panayam kay Luis Manzano na mapapanood sa YouTube channel ng huli, natanong siya kung ano ang naging senyales nito para makipaghiwalay matapos ang ilang taong pagsasama.

“Wala nang respeto, ‘yun… Nararamdaman ko na na parang ‘Ah, ok. Hangin? Ito ako o’. So wala nang respect. Kaya nanggigigil akong gamit na gamit ‘yung salitang respect kasi kung mayroon ka talaga nu’n, hindi tayo aabot rito,” saad ni Pokwang.

Dagdag pa niya, “Huwag nating i-overuse ‘yung salitang respect kasi ngayon ang daling sabihing ‘I love you’, ‘I respect you’. No, ‘wag nating i-overuse ‘yung mga words na ‘yan kasi galing kay God yan e. Ino-overuse natin ‘yan tapos hindi naman natin ginagawa.”

Tinanong pa ni Luis kung sinubukan pa bang ayusin ni Pokwang ang relasyon kay Lee p kung bigla na lang silang naghiwalay ng landas.

“Ganito kasi, may negosyong involved and before that, may mga nakikita na rin kasi akong red flags pero pinabayaan ko lang,” sagot pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Pokwang sa mga babaeng ‘nagpapapansin’ kay Lee O’Brian Go ahead pero ‘wag n’yo na akong binabanggit!

Ang totoo nga raw ay nagkaroon silang dalawa ng hindi pagkakaintindihan dahil sa language barrier.

“Kaya minsan natatawa ako doon sa mga sinasabing ‘Kaya ka iniwan kasi bungangera ka’. Excuse me, hindi nga ako marunong mag-English e. Hindi ko nga alam paano ie-express sa kanya ‘yung mga words,” lahad ni Pokwang.

“Kung paano ko sasabihin sa kanya ‘yung nararamdaman ko kasi kulang nga po ako sa English. So nagkaroon kami ng language barrier. Ang nangyari na lang sa akin, ‘yung boom. Sumabog na lang. Napuno na,” pagpapatuloy pa niya.

Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay dasal ni Luis na sana ay dumating rin ang panahon na kapag nagsama silang ulit together with their families ay maramdaman nitong masaya nang muli si Pokwang.

“Hindi man tayo magka-text palagi. Hindi man tayo constant communication, I will always be here for you and your family, Mama Poks,” ani Luis.

Matapos nito ay kinuha niya ang cellphone at sinabing may picture siya ni Lee sabay tanong kung anong masasabi ni Pokwang sa dating karelasyon.

“Wala sa usapan natin ‘yan, Luis. Wala sa usapan natin ‘yan,” sey ng komedyana sabay tabig ng cellphone ni Luis at walk-out sa kanilang set.

Pero sa huli ay bumalik rin si Pokwang at nagbigay mensahe kay “Lee”.

“Unang-una, sensya ka na kasi iba ‘yung culture mo, iba ‘yung culture ko. May mga pagtatalo tayo na ang hirap ipaliwanag because of language barrier. Pasensya ka na rin kung… tinry ko namang ipaglaban. Ginawa ko lahat ng best ko para manatili kung anong meron tayo. I did my best but I guess my best wasn’t good enough, ika nga,” umpisa nito.

Pagpapatuloy ni Pokwang, “Pero gusto ko lang malaman mo na kung nasaan ka man ngayon, I hope you are happy and ingat ka lagi. Hindi mo basta basta maaalis ‘yun, siyempre mahal pa rin kita kaya lang mayroon akong kailangang gawin para sa ikaliligaya ng sarili ko. Its about time na maging happy na din ako and ‘yung mga taong nasa paligid ko na apektado na rin sa mga pangyayari. Gusto ko na rin na maging masaya sila.”

Ang Lee na binigyang mensahe ni Pokwang ay ang Korean superstar na si Lee Min Ho.

Natatawang sey ni Luis, “Thank you very much sa pagbibigay mensahe kay Lee Min Ho. Ano bang akala n’yo? Si Lee Min Ho pinag-uusapan namin.”

Related Chika:

Related Chika:
Pokwang hindi basta-basta magpapatalo: ‘Bangon! Nanay ka at marami kang labada…para sa ikauunlad ng pamilya! Laban!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending