DSWD pinuna si Ian Sia sa biro laban sa single moms: ‘I don’t find this funny!’

DSWD Sec. Rex Gatchalian, Ian Sia
HINDI dapat ginagawang katatawanan o binabastos ang mga kabilang sa marginalized sector kagaya ng mga single parent, lalo na kung bastos ang biro.
Ito ay ayon mismo sa kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na si Rex Gatchalian.
Ang pahayag na ‘yan ay dahil sa kontrobersyal na pahayag ni Atty. Ian Sia, ang kumakandidatong kongresista sa Pasig, kung saan sinabi niyang pwedeng makipagtalik sa kanya ang mga babaeng single parent na nireregla pa.
“Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nireregla pa at nalulungkot, minsan sa isang taon, pwedeng sumiping ho sa akin,” sey ni Sia sa isang campaign sortie.
Baka Bet Mo: Comelec sinita si Ian Sia dahil sa bastos joke: ‘Kailangan bumaba sa lebel?!’
Dagdag pa niya, “Yun hong interesado, magpalista na po rito sa table sa gilid.”
Sa isang Facebook post nitong Huwebes, April 3, sinabi ni Gatchalian: “As DSWD secretary, I simply do not find this funny.”
Bilang dating mayor at kinatawan ng Valenzuela City, batid ni Gatchalian ang hirap ng pangangampanya at pagkuha ng atensyon ng mga botante.
Pero hindi raw ito dapat ginagawa sa pambabastos na paraan.
“Hoping that election discourse is elevated to a higher level,” lahad niya sa FB.
Patuloy niya, “I’ve been to these barangay-based caucuses, and I know how hard it is to keep voters’ attention — especially in this sweltering heat.”
Sa halip na magbiro ng bastos, iginiit ni Gatchalian na mas mainam kung ilalatag na lang ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma.
“Using our vulnerable, poor, and marginalized sectors as the butt of jokes is not the way to go,” sambit ng kalihim.
Mensahe ni Gatchalian kay Sia, “Let’s not underestimate voters. They may laugh, but that doesn’t mean they’ll vote for you.”
Sambit pa niya, “Engage them by telling them what you will do for them, rather than making them the punchline of your jokes.”
Dagdag pa ni Gatchalian, ang mga single parent ay mga bayani na ginagawa ang lahat para maitaguyod ang kanilang pamilya.
“They raise their children alone through sheer sacrifice. Let’s not marginalize them further,” diin niya.
Samantala, nagpaliwanag si Sia na isa lamang daw itong biro at pinalaki lang ang isyu.
“Talaga pong ang makinarya nila, napakabigat kalaban,” sey niya sa isang kampanya kamakailan lang.
Depensa pa niya, lagi raw siyang maginoo at hindi kailanman nangbastos ng babae.
Samantala, bumuo ang Commission on Elections (Comelec) ng task force para imbestigahan ang mga ganitong pahayag mula sa mga kandidatong tumatakbo sa eleksyon, alinsunod sa Resolution No. 11116.
Nakasaad sa resolusyon na bawal ang diskriminasyon laban sa mga grupong may ipinaglalaban o adbokasiya.
Saklaw nito ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community, mga katutubo, mga taong may HIV, may kapansanan, at kababaihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.