Mommy Dionisia magiging presidential adviser kung mananalo si Pacquiao | Bandera

Mommy Dionisia magiging presidential adviser kung mananalo si Pacquiao

Therese Arceo |April 07,2022
facebook
share this

Mommy Dionisia magiging presidential adviser kung mananalo si Pacquiao

Therese Arceo - April 07, 2022 - 08:14 PM

Mommy Dionisia magiging presidential adviser kung mananalo si Pacquiao

NAIS magsilbi ni Mommy Dionisia o mas kilala bilang Mommy D bilang presidential adviser ni Sen. Manny Pacquiao sakaling manalo ito sa darating na national elections bilang susunod na mamumuno ng bansa.

Natanong kasi siya sa isang media briefing kung ano ang kanyang magiging role kung palarin ang anak na masungkit ang pinakamataas na pwesto sa pamahalaan.

“Bilang nanay, concern ang abot ko. Kahit maliit lang akong nanay, adviser ako sa kanila,” pagbabahagi ni Mommy Dionisia.

Aniya, malaking tulong ang kanyang presensya bilang ina sa kanyang anak dahil isang malaking responsibilidad at mabigat na tungkulin ang pagiging lider ng bansa.

“Katulad sa aming tinitirahan, adviser ako sa buong subdivision namin sa General Santos City. Malaking tulong ang parents na na nandiyan sa tabi ng anak,” pagpapatuloy ni Mommy Dionisia.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

 

Nakiusap pa nga ito na sana ay bigyan ng madlang pipol ng pagkakataon si Manny Pacquiao na maglingkod at mamuno sa bansa.

“Pagbigyan na lang nila si Manny. Ang gustong gusto ko, hayaan na lang nila si Manny ang humawak dito sa buong Pilipinas,” dagdag ni Mommy Dionisia.

Matatandaang present rin ang ina ni Pacman sa kanyang proclamation rally noong February na ginanap sa General Santos.

Kwento ni Mommy Dionisia, labis ang kanyang pag-aalala at pagtutol nang malaman niyang nais tumakbo sa pagkapresidente ang anak dahil sa “sako-sakong” pera na ang inilabas nito nang tumakbo siya sa unang pagkakataon.

“Noong tumatakbo pa siya for the first time dito sa General Santos, umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala,” saad ni Mommy Dionisia.

“Sabi pa ng mga amiga ko, ‘Mommy, ang anak mo bigay nang bigay ng pera. Baka maubos ang kwarta’.

“Ito presidente na! Sabi ko, ‘Manny, iba na talaga ito kasi buong bansa na, mas malaki pa sa bariles ng Gen San!” pabirong saad ni Mommy D na ikinatawa ng mga tao na present sa naturang proclamation rally ng anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Payo ni Mommy Dionisia kay Pacquiao: Ngayong natalo siya, magretiro na siya

Mommy Dionisia worried sa pagtakbo ni Manny Pacquiao: Baka maubos ang kwarta

Hirit ni Pacman: Balitang may COVID-19 si Mommy Dionisia fake news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending