Dyowa ni Mommy Dionisia pumalag sa mga bumabatikos sa kanya

Dyowa ni Mommy Dionisia pumalag sa mga bumabatikos sa kanya

Therese Arceo - February 28, 2025 - 10:58 PM

Dyowa ni Mommy Dionisia pumalag sa mga bumabatikos sa kanya

PINALAGAN ng partner ng ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia ang mga taong bumabatikos at nangba-bash sa kanya matapos niyang i-flex ang anniversary celebration nila.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ni Mike Drilon Yamson ang mga larawan nila sa kanilang 11th anniversary celebration.

‘Me and Mommy D celebrate 11 yrs together,” mababasa sa caption ni Mike.

Bukod dito, nagbahagi rin siya ng Facebook reel kung saan makikitang hinalikan niya si Mommy Dionisia sa bandang pisngi.

Baka Bet Mo: Mommy Dionisia kay Carlos Yulo: ‘Mahalin mo ang nanay mo, huwag ka magkimkim’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“11 years na masayang pagsasama at respeto sa isa’t isa,” sabi pa ng dyowa ni Mommy Dionisia.

Ngunit mapapansin sa comment section ang isang netizen na tila nagmamaliit sa kanya.

“11 years kanaring umaasa mag trabaho ka” saad ng netizen.

Agad namang bumwelta si Mike at sinabing may trabaho siya na tanda na hindi siya umaasa kay Mommy Dionisia.

“content creator kaba kase di mo alam ang facebook meta ata sgurado kaba na wala ako trabaho,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila nito ay marami pa rin naman ang masaya para sa magkarelasyon.

Matatandaang noong May 2024 lang nang i-celebrate ni Mommy Dionesia ang kanyang 75th birthday kung saan nagkasama ang kanyang ex-partner na si Rosalio Pacquiao at si Mike.

Sa kabila rin ng pang-iintriga sa kanilang dalawa ay going strong pa rin ang kanilang samahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending