Mommy Dionisia worried sa pagtakbo ni Manny Pacquiao: Baka maubos ang kwarta | Bandera

Mommy Dionisia worried sa pagtakbo ni Manny Pacquiao: Baka maubos ang kwarta

Therese Arceo |February 10,2022
facebook
share this

Mommy Dionisia worried sa pagtakbo ni Manny Pacquiao: Baka maubos ang kwarta

Therese Arceo - February 10, 2022 - 06:39 PM

Mommy Dionisia worried sa pagtakbo ni Manny Pacquiao: Baka maubos ang kwarta

NAG-AALALA ang ina ng Pambansang Kamao na si Mommy Dionisia para sa kanyang anak na si Sen. Manny Pacquiao na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapresidente sa darating na May 2022 elections.

Isa rin siya sa mga nagbigay ng pahayag sa ginanap na proclamation rally ng anak sa Oval Plaza Grandstand ng General Santos nitong February 8.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)

Nagbaliktanaw si Mommy Dionisia noong mga panahon na unang beses pumasok si Sen. Manny sa pulitika na talaga namang umubos umano ng “sako-sakong” salapi ng anak.

“Noong tumatakbo pa siya for the first time dito sa General Santos, umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala,” saad ni Mommy Dionisia.

Aniya, agad raw itong napansin ng ka yang mga kaibigan na nag-aalala rin daw sa kanila dahil baka nga maubos ang kanilang pera.

“Sabi pa ng mga amiga ko, ‘Mommy, ang anak mo bigay nang bigay ng pera. Baka maubos ang kwarta’,” dagdag pa ni Mommy Dionisia.

At ngayon ngang ang pinakamataas na posisyon ang gustong makamtan ni Sen. Manny Pacquiao ay biniro niya ito na baka mas malaki pa sa tuna ng General Santos ang magastos na pera ng kanyang anak.

“Ito presidente na! Sabi ko, ‘Manny, iba na talaga ito kasi buong bansa na, mas malaki pa sa bariles ng Gen San!” pabirong saad ni Mommy Dionisia.

Wala namang nagawa si Sen. Manny kundi ang matawa na lang sa mga sinabi ng kanyang ina. Maski ang mga kasama nito sa stage at ang mga taga-suporta na present sa kanyang proclamation rally labis na naaliw sa ina ng Pambansang Kamao.

Sa kabila ng pagbibiro ni Mommy Dionisia ay bakas naman ang labis na suporta nito sa desisyon ng kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa, handa siyang tulungan at suportahan ang anak sa kanyang laban para sa pinakamataas na posisyon sa buong bansa.

Sa huli ay nagpasalamat ito sa lahat ng mga sumusuporta sa anak.

Related Chika:
Secret fantasy ni Enchong, ‘kinky stuff’ sa eroplano; Erich 4 ang gustong anak
Sharon nagpakita ng suporta sa pagtakbo ni Sen. Kiko sa 2022: I’m here for you and I love you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending