Lovi babalikan ang kanyang ‘first love’ sa darating na Valentine; pinabilib sina Bobot Mortiz, Boyet de Leon at Tirso Cruz
FEELING blessed and lucky ang Kapamilya actress at singer na si Lovi Poe nang malamang siya ang napiling maging special guest sa Valentine concert ng tatlong icon sa Philippines showbiz.
Sa dami kasi ng pangalang nasa listahan ng mga producer ng “Some Kind of Valentine” concert nina Christopher de Leon, Edgar Mortiz, at Tirso Cruz III ay si Lovi ang nag-standout sa lahat.
In fairness, bago pa maging award-winning actress si Lovi ay naging singer muna siya. Una siyang ipinakilala sa showbiz noong 2006 bilang isang recording artist
Kaya naman ngayon pa lang ay super excited na si Lovi na mag-perform kasama ang tatlo sa mga nirerespeto at tinitingalang celebrities sa local showbiz.
“Yung songs na napili nilang kantahin, talagang ever since, I’ve been listening to that kind of music,” sey ni Lovi sa naganap na mediacon ng “Some Kind of Valentine” last Wednesday, January 11.
View this post on Instagram
Promise ni Lovi, masusulit ang effort ng lahat ng manonood sa kanilang pre-Valentine concert dahil sa dami ng “pasabog” na inihanda nila.
“I will be performing, of course, with Sir Christopher, Sir Tirso, Sir Edgar, so we’ll doing songs altogether, duets ng isa-isa. Nag-rehearse na kami. It was good,” sey pa ng aktres.
Sa isang bahagi ng presscon, todo ang papuring ibinigay ni Edgar Mortiz sa pagiging singer ni Lovi. Nagulat daw siya sa lalim ng pinaghuhugutan ng aktres kapag kumakanta.
Sabi ng veteran actor-director, “Mag-e-enjoy kayo dahil nandito si Lovi, tapos yung fans namin, siguro madami pa sila o yung iba, huhukayin namin para mapanood yung show. I’m sure, mag-e-enjoy sila.
“Yung klase ng songs na kinakanta namin, bagay na bagay kay Lovi.
“Siguro nu’ng sumikat ang mga kantang ito, wala pa siya sa mundo. Pero kapag kinakanta niya, ang tingin ko, bagay na bagay pala sa kanya, so natutuwa ako,” aniya.
Kuwento pa ni Dire Bobot, ito ang pagbabalik niya sa concert scene makalipas ang tatlong dekada, “Huling Valentine show na ginawa ko, Bad Bananas pa kami. In-introduce namin sina Zsa Zsa Padilla at Pops Fernandez.
“Parang 30 years ago yung huling Valentine show namin,” pagbabahagi ng beteranong aktor at singer.
Sa mga hindi pa nakakaalam, bukod sa pagiging aktor at direktor, isa rin siyang magaling na singer. Matagal siyang naging champion sa singing competition na “Tawag ng Tanghalan” noong 1968.
Mapapanood ang “Some Kind of Valentine” sa February 3 at February 4, sa New Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.
Direk Frasco sa mga basher ni Bea: ‘Bakit ang daming bitter?’
Vice dedma sa ‘lipatan’ isyu, tumutok sa UAAP Cheerdance showdown: O, tahkayoooo! Kavogue ang FEU!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.