Bitoy bago maging toy collector: I’m creating out of lumang tsinelas

Bitoy bago maging toy collector: I’m creating my own out of lumang tsinelas

Pauline del Rosario - April 10, 2025 - 01:01 PM

Bitoy bago maging toy collector: I’m creating my own out of lumang tsinelas

PHOTO: Instagram/@michaelbitoy

BAGO pa man siya naging comedy legend at toy collector, si Michael V ay isang batang may malikot na imahinasyon.

Sa nakakatuwang interview sa YouTube vlog ni Bernadette Sembrano, napa-throwback si Bitoy sa kanyang toy collecting journey na nagsimula raw sa kanyang DIY toys na gawa lamang sa mga sirang tsinelas.

“I grew up without these things na alam mo ‘yun, gusto ng maraming bata, let’s say for example toys, video games,” pagbabalik-tanaw ng comedy genius.

Noong bata pa siya, ang laruan ng kapitbahay ang naging “goals” niya, lalo na raw ang Voltes V na isa sa mga pinakapopular na robot toys dati.

Baka Bet Mo: Bitoy sa mga vloggers: ‘The first thing any content creator should understand is the meaning of the word CONTENT’

“Meron akong kapitbahay o kalaro na meron siyang Voltes V na toy…wala naman kaming pambili, gustong-gusto ko magkaroon,” chika ni Bitoy.

Pero siyempre, wala pa sa budget ang mga robot-robotan noon kaya ang batang Bitoy ay nag-DIY na lang.

“I ended up creating my own out of mga lumang tsinelas,” pagmamalaking kwento niya.

“So nakaka-cope ako dun sa mga inggit na nararamdaman ko noon,” pag-amin niya.

Naalala rin niya ‘yung panahon na nabigyan na siya finally ng Voltes V na laruan ng kanyang nanay.

“Akala ko ‘yun na ‘yung hinahanap ko, hindi pala,” sambit ni Bitoy na tumatawa.

“Parang match box, ang liit! Eh ‘yun lang ang afford namin eh. But for me talagang ang precious nun,” paliwanag pa niya.

Kaso, hindi rin nagtagal ang laruan dahil ayon sa kanya, “Nawala na ‘yun kasi there was a time nu’ng umalis kami ng tenement, sila lang ‘yung naglipat ng gamit eh so hindi ko natutukan.”

At dahil sa sobrang halaga ng first-ever toy niya, bumili siya ulit ng kaparehong laruan bilang mental reset button kapag nalulungkot.

“Kapag nade-depress ako, hinahawakan ko lang siya, tinitingnan-tingnan ko…at bumabalik na lahat ‘yung memories ng naging buhay mo dun sa tenement,” wika niya.

Iniingatan niya raw talaga ito dahil wala silang budget sa mga mamahaling laruan.

Ito rin daw ang naging dahilan kaya naging creative sila ng kanyang ama pagdating sa paggawa ng kanyang mga laruan.

“Ang tatay ko ang ginagawa niya nun, ‘yung kahon ng sigarilyo, ‘yun ang ginagawa niyang laruan—magdo-drawing siya ng mga superheroes, ika-cut out namin, parang paper dolls, ‘yun na ‘yung figures ko,” kwento ni Bitoy.

Patuloy niya, “’Pag ‘yung tatay ko nasa trabaho, siyempre wala namang gagawa nun for me so natuto akong gumawa, natuto akong mag-drawing, natuto akong mag-crafts.”

Fast forward to today, hindi na gawa sa tsinelas o kaha ng yosi ang mga toys ni Bitoy dahil meron na siyang ultimate collection ng video games at action figures!

Dahil sa nai-share ni Bitoy, isang magandang aral ang na-realize namin.

Hindi mo kailangang bumili ng mamahaling laruan para magkaroon ng masayang childhood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Minsan, sapat na ang imahinasyon, tsinelas, at pagmamahal ng magulang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending