Tsinelas, sandals, tattoo nina Paolo at Yen ebidensya nga ba sa viral video na nakunan sa Baguio? | Bandera

Tsinelas, sandals, tattoo nina Paolo at Yen ebidensya nga ba sa viral video na nakunan sa Baguio?

Reggee Bonoan |September 06,2021
facebook
share this

Tsinelas, sandals, tattoo nina Paolo at Yen ebidensya nga ba sa viral video na nakunan sa Baguio?

Reggee Bonoan - September 06, 2021 - 10:02 AM

Yen Santos at Paolo Contis

VIRAL sa social media ang mga litrato nina Paolo Contis at Yen Santos kung saan pareho ang suot nilang tsinelas at sandals sa dalawang taong magkasama na nakunan ng video sa Baguio City.

Hinihinalang si Paolo ang lalaki sa nasabing video at marami naman ang nanghula na baka raw si Yen ang girl na kasama ng aktor na nakahawak pa sa kanyang braso.

Kasunod nito, kumalat na nga ang mga litrato mula sa Instagram kung saan makikita ang tsinelas ni Paolo at sandals ni Yen na nag-match sa couple na nakunan ng video sa Baguio.

Ang suot na tsinelas ni Paolo ang siya ring gamit niya habang nakaupo sa isang scooter at si Yen naman ay suot ang sandals nang mag-selfie siya at naka-peace sign.

Bilib na talaga kami sa netizens na sila na mismo ang naghahanap ng ebidensya para patunayang sina Paolo at Yen daw ang nasa video na magkasamang naglalakad patungo sa Manaoag church sa Pangasinan, pero bago iyon ay may mga larawang kumalat din na nasa isang kainan sila sa Baguio City.

Anyway, bukod sa suot na tsinelas ni Paolo at sandals ni Yen ay pinag-match din nila ang tattoo ni Paolo sa kanang likod ng braso nito at si Yen naman sa kaliwang kamay.

Ipinagtatanggol naman nina Manay Lolit Solis at Nanay Cristy Fermin ang dalawa at hindi raw sila ang nasa video. 

Nananatili pa ring tahimik sina Paolo at Yen sa isyung ito kaya hangga’t hindi sila nagbibigay ng kanilang panig ay mananatiling malaking tanong sa publiko kung sila nga ba ang nasa viral video o hindi. 

At hanggang ngayon ay misteryoso pa rin kung si Yen nga ba ang dahilan ng paghihiwalay nina Paolo at LJ Reyes.

Bukas pa rin ang BANDERA para sa magiging pahayag nina Paolo at Yen hinggil sa kontrobersyang ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending