Bitoy ayaw pang bumalik sa hosting; hindi na aalis sa GMA

Bitoy ayaw pang bumalik sa pagho-host; wala nang balak umalis sa GMA

Ervin Santiago - March 12, 2024 - 01:00 AM

 

Bitoy ayaw pang bumalik sa pagho-host; wala nang balak umalis sa GMA

Michael V

NAGPAKATOTOO ang comedy icon na si Michael V sa pagsagot sa tanong kung ready na ba siyang bumalik sa pagho-host ng noontime show.

Maraming nanghihikayat kay Bitoy na muling tumanggap ng noontime show kapag may offer sa kanya dahil pak na pak din naman ang talent niya bilang host.

May mga nabasa rin kaming mga komento sa social media na sana’y kunin ng GMA 7 ang Kapuso Comedy Genius sa bagong noontime show na ipapalit sa natsugi nang “Tahanang Pinakamasaya” nina Isko Moreno at Paolo Contis.

Sa muling pagpirma ng exclusive contract ni Michael V. sa GMA ngayong araw, natanong kung handa na ba siyang bumalik sa pagho-host ng variety show o game show?

Baka Bet Mo: Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto

“Parang hindi pa time. There’s a reason why I left ‘Eat Bulaga’ before. I think it’s the same reason kung bakit hindi pa siguro ako sasabak,” ang sagot ni Bitoy sa ulat ng GMA.

Mahigit 12 years ding naging regular host ang komedyante ng longest-running noontime show sa Asia na “Eat Bulaga” (mula 2004 hanggang 2016).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)


Ipinaliwanag ni Bitoy sa isa niyang vlog na kinailangan niyang magpaalam sa “Eat Bulaga” dahil sa dami ng projects niya noon sa GMA 7 at mula noon hindi na siya bumalik sa naturang programa.

Dalawa ang regular show ngayon ng actor-director sa GMA na parehong top-rating, ang gag show na “Bubble Gang,” at ang TV sitcom na “Pepito Manaloto.”

Samantala, muli ngang pinatunayan ni Bitoy ang kanyang loyalty bilang Kapuso matapos siyang pumirma uli ng kontrata sa GMA Network ngayong araw, March 11.

Baka Bet Mo: Kilalang TV host hindi na pinabalik sa dating programa; nawalan din ng mga raket

Present sa contract signing sina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit, Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, at Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable. Representing the management of Michael V. was his wife and Talent Manager Carolina Bunagan.

Naroon din sina Chief Marketing Officer Lizelle G. Maralag, Senior Vice President for Integrated News, Regional TV, and Synergy Oliver Victor B. Amoroso, First Vice President for GMA International Joseph Jerome T. Francia, Vice President for Business Development Department II Janine Piad-Nacar, Vice President for Business Development Department III Gigi Santiago-Lara, at Assistant Vice President for Business Development Department II Enri T. Calaycay.

Siyempre, hindi rin mawawala ang Program Managers ng Comedy Department of the Entertainment Group na sina Cecille de Guzman, Ella Balana, at ang Comedy Creative Director na si Cesar Cosme.

Mensahe ni Michael V, “I’ve been in the entertainment industry for 28 years and the bulk of my time is nandito sa GMA. At wala na akong planong umalis pa. This is definitely my home until the last days of my entertaining life.”

Pinasalamatan naman ni Atty. Gozon si Bitoy, “Kami ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat. Si Bitoy ay homegrown at behind him and GMA is 28 years of relationship na napakaganda ng resulta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang mga programa niya ay nangunguna sa ratings. Si Bitoy ay talagang isang genius sa harap at likod ng camera. Marami siyang iniaambag para paligayahin ang mga manonood,” sabi pa ng bossing ng GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending