Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue Bandera

Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue

Ervin Santiago |May 18,2021
share this

Janice ikinumpara sa bangus si Gerald: Kasi matinik, parang ang daming issue

Ervin Santiago May 18, 2021 - 09:19 AM

IKINUMPARA ng veteran actress na si Janice de Belen sa bangus ang Kapamilya young actor na si Gerald Anderson.

“Love ko ang bangus. Favorite ko ang bangus kaya lang matinik,” ang diretsahang paliwanag ni Janice kung bakit sa nasabing isda niya inihalintulad ang boyfriend ni Julia Barretto.

Dagdag pa niyang chika sa guesting niya sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay” sa ABS-CBN, “Matinik kasi parang ang daming isyu.”

Ang tinutukoy nga ng aktres ay ang mga kontrobersya at intrigang kinasangkutan ng aktor nitong mga nagdaang buwan.

Kung matatandaan, natsismis noon na may relasyon umano sina Janice at Gerald matapos silang magkatrabaho sa seryeng “Budoy” taong 2012. Nadamay kasi ang aktres sa hiwalayan nina Gerald at Maja Salvador.

“Like me, for example. Hindi ba na-link kami for a while, wala naman talagang ili-link.

“It’s just that for the longest time that we worked together at kahit na nung hindi kami nagwo-work together, he is really like a brother to me.

“Super brother ang tingin ko sa kanya. Brother, barkada, kasi napagkukuwentuhan namin ang kahit ano,” paliwanag ni Janice.

Aniya, maikukumpara niya ang friendship nila ni Gerald sa pagkakaibigan nila ng dalawa pang young actor na sina Rayver Cruz at Enchong Dee.

“I share the same kind of friendship with Enchong with Rayver. So I share the same kind of friendship. So non-issue siya but hindi ko alam kung bakit naging issue.

“And you know that thing is, ang hirap sa trabaho natin kasi kapag na-tsismis ka na, na-link ka ng ganyan, whether you like it or not, totoo o hindi, it destroys friendship,” sabi pa ng aktres.

“Hindi naman destroyed ang friendship namin but our friendship has changed,” paliwanag pa niya.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending