Herlene Budol maglalabas ng single na ‘Kain Tayo’

Herlene Budol sumabak sa pagiging singer, maglalabas ng single na ‘Kain Tayo’

Pauline del Rosario |December 29,2023
facebook
share this

Herlene Budol sumabak sa pagiging singer, maglalabas ng single na ‘Kain Tayo’

Pauline del Rosario - December 29, 2023 - 10:51 AM

Herlene Budol sumabak sa pagiging singer, maglalabas ng single na ‘Kain Tayo’

PHOTO: Instagram/@herlene_budol

MULA sa pagiging aktres at beauty queen, mukhang susubukan na rin ni Herlene Budol ang pagiging singer.

Sa Instagram, ibinandera niya ang ilang pictures na makikitang sumalang na siya sa voice lessons.

Kwento niya, ang nagkumbinsi na gawin niya ito ay ang dati niyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Nabanggit din niya na classmate pa nga niya ang anak ni Wilbert na si Willard King.

“Thank you Mima ko @sirwil75 (Wilbert Tolentino). ‘Yung kahit hindi na siya manager ko pero andyan pa rin siya thru thick & thin at pinu-push niya ako mag-voice lesson at classmate ko na rin si Little KaFreshness Willard King Tolentino,” caption niya sa IG.

Baka Bet Mo: Herlene Budol babu na sa beauty pageants: Titigil na po ako, hindi ko na po ipipilit ‘yung sarili ko…

Ibinunyag din ni Herlene na maglalabas siya ng kauna-unahan niyang single sa taong 2024 at pinamagatan itong “Kain Tayo.”

“Abangan ang bagong Single na ilalabas ko sa 2024 – ‘KAIN TAYO’,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng netizens sa bagong update at balita ni Herlene.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“I can’t believe this is happening [laughing emoji] parang ka-cheapan na ang showbiz industry. Parang lagi pinu-push ‘to maging isang celebrity.”

“Minsan kailangan mong ilabas lahat ng sama ng loob mo, para malaman nilang hindi UNLIMITED ang pasensya mo [emojis]”

“‘Yung ginagawa mong joke ‘yung nag-cause ng trauma sa ibang tao. Magaling din ano. Wala ng humanity at respeto sa kapwa babae. Hindi ka magandang ehemplo sa lahat.”

“Ganyan dapat patulan ang kain tayo kikita ka pa. Dalaga siya anong masama [red heart emojis]”

“Paiyakin ang mga bashers…inggit lang mga yan…”

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media si Herlene matapos mag-leak sa mismong Instagram account ng Kapuso actor na si Rob Gomez ang diumano’y palitan nila ng mensahe.

Isa sa nag-viral ay ang “kainan” ng dalawa kung saan mas gutom umano si Herlene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Base sa flow ng kanilang usapan ay tila may nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Ngunit ito ay itinanggi ng dalaga at sinabi niya na ito ay dating batuhan lang ng linya na nahaluan na ng mga joke na “kain.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending