Miley Cyrus maglalabas ng bagong single after 3 years, fans abangers na: ‘Finally! She’s back!’ | Bandera

Miley Cyrus maglalabas ng bagong single after 3 years, fans abangers na: ‘Finally! She’s back!’

Pauline del Rosario |January 05,2023
facebook
share this

Miley Cyrus maglalabas ng bagong single after 3 years, fans abangers na: ‘Finally! She’s back!’

Pauline del Rosario - January 05, 2023 - 04:18 PM
Miley Cyrus maglalabas ng bagong single after 3 years, fans abangers na: ‘Finally! She’s back!’

PHOTO: Instagram/@mileycyrus

NEW year, new Miley.

‘Yan ang naging peg ng international pop star na si Miley Cyrus sa kanyang bagong single matapos ang tatlong taon.

Ang title ng kanta ay “Flowers” at inanunsyo ito mismo ni Miley sa naganap na live special ng NBC na “Miley’s New year’s Eve Party.”

Ang nasabing kanta ay nakatakdang i-release sa January 13.

Sa pamamagitan ng social media ng singer ay naglabas pa siya ng teaser, kalakip ang caption na, “NEW YEAR, NEW MILEY, NEW SINGLE. FLOWERS JANUARY 13.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miley Cyrus (@mileycyrus)

Dahil diyan ay milyon-milyong fans na ang looking forward sa bagong pasabog ng singer at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

“Miley is already making 2023 better than expected,” sey ng isang netizen.

Lahad ng IG user, “Finally she is back! Can’t wait to listen (red heart emojis)”

“Yup! I’m here for this!!!!,” ayon sa comment.

Saad ng isa pang fan, “The goddess era after healing the trauma, hell yes.”

Matatandaang ang “Midnight Sky” ang huling single na inilabas ni Miley noong 2020.

Bukod sa upcoming single, una nang nababanggit ng singer na magkakaroon din siya ng bagong studio album.

Pero hanggang ngayon ay wala detalye tungkol dito.

Ilan lamang sa mga hit songs ni Miley ay ang “The Climb,” “Party in the U.S.A.,” “Wrecking Ball,” “Midnight Sky,” “We Can’t Stop,” at marami pang iba.

Sumikat din siya sa pinagbidahan niyang Disney series na may titulong “Hannah Montana.”

Related chika:

Rabiya Mateo gagawa ng teleserye sa GMA; umaasang matutuloy din ang Hollywood movie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jane single na single pa rin: Naku, wala na po akong time sa lovelife, wala na nga rin po akong oras sa mga pusa ko, eh!

Kylie Padilla bilang single working mom: Nu’ng una feeling ko hindi ko kaya, feeling ko nagi-guilty ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending