Jane single na single pa rin: Naku, wala na po akong time sa lovelife, wala na nga rin po akong oras sa mga pusa ko, eh! | Bandera

Jane single na single pa rin: Naku, wala na po akong time sa lovelife, wala na nga rin po akong oras sa mga pusa ko, eh!

Ervin Santiago |August 17,2022
facebook
share this

Jane single na single pa rin: Naku, wala na po akong time sa lovelife, wala na nga rin po akong oras sa mga pusa ko, eh!

Ervin Santiago - August 17, 2022 - 08:02 AM

Jane de Leon

WALANG boyfriend at single na single ngayon ang Kapamilya actress at “Darna” star na si Jane de Leon.

Ayon sa dalaga, wala raw talaga siyang time ngayon para sa kanyang lovelife dahil naka-focus siya sa pagtatrabaho, lalo pa’t kasisimula pa lang ng paglipad ng “Mara Ravelo’s Darna” sa ABS-CBN.

“Naku wala na po akong time sa lovelife. Wala na nga po akong time sa mga pusa ko eh,” ang natatawang pahayag ni Jane sa Star Magic Inside News.

Pero sabi ng Kapamilya star, hindi rin naman niya isinasarado ang kanyang puso sa pagkakaroon ng dyowa for as long as hindi ito makasisira sa kanyang trabaho at career.

“Pero if my darating, why not? I am really open naman sa ganyan, if may magpaparamdam. Basta hindi lang po talaga makakaapekto sa sarili ko at sa trabaho ko. Iba kasi talaga ako magmahal,” pahayag pa ng bagong Darna.

Dagdag pa niyang chika about entering a serious relationship, “Hindi ko naman ibinibigay 100% kasi if may darating na tao gusto ko rin po makakatulong din para sa akin, para mag-grow din ako as a person.”

Samantala, napakainit ng pagtanggap ng mga manonood sa pagsisimula ng “Darna” last Monday, August 15, kasabay ng pagiging trending topic din nito sa social media.

Kaya naman para kay Jane, nagbunga ng maganda ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ng buong production ng bago nilang proyekto na siya ngang pumalit sa “Ang Probinsyano.”

“Sobrang worth it po talaga. I’ve been through a lot po para lang po sa project na ito. May mga clips na napapanood po ako sa Darna, natatanggal po ang pagod ko.lalo na kapag naging successful ito.

View this post on Instagram

A post shared by JANE DE LEON Official ⭐ Darna #NasaanSiDarna (@janedeleon_official)


“Sana mapanood po ng tao ‘yon kasi marami kaming ipapakita sa inyong lahat, lalo na ang fight scenes, ‘yung mga bagong character.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang excited po ako na ipakita sa inyo lahat nang pinaghirapan ng JRB Production, ang Team Darna, mapa-artista, staff, production. Marami po kaming ishi-share sa inyo na bagong istorya, bagong costumes, bagong stunts and, of course, effects. But kami siyempre kami ay ibinibigay lang namin ang best namin sa inyo,” pahayag pa ng dalaga.

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Alden wala pa ring lovelife: Magti-30 na ako, it’s about time na ako naman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending