Cristy Fermin naloka sa ginawa ni Willie Revillame sa prayer rally sa Cebu
HINDI ma-take ng award-winning veteran columnist at TV host na si Cristy Fermin ang mga pinaggagawa umano ni Willie Revillame sa isang prayer rally sa Cebu.
Shookt si Nanay Cristy sa pamamahiya raw ni Willie sa ilang staff na namahala at nag-organisa ng naturang event na naganap kamakailan sa Cebu.
Napag-usapan ang isyung ito sa episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, February 26, kung saan naikuwento nga ng beteranang showbiz columnist ang mga natanggap na text message mula sa mga um-attend sa prayer rally.
Sabi ng mga nakasaksi, parang ginawang noontime at game show ni Willie ang nasabing religious event.
Baka Bet Mo: Sharon Cuneta malungkot sa pag-uwi mula Australia, 3 kapamilya positibo sa COVID-19
“Ang dami-daming tume-text sa akin at tumatawag. ‘Ano ba naman ‘yan. Si Willie Revillame ginawang noontime show ‘yong dapat ay prayer rally at uminit na naman ang ulo,’” pagbabahagi ni Nanay Cristy.
“Napanood mo ba ‘yung ginawa niya Nakakaloka! Sa prayer rally, napanood mo?” ang tanong ng kolumnista sa co-host niyang si Romel Chika.
“Opo, Nay,” ang sey naman ni Romel. “Para lang talaga tayong nasa studio. Tinuturuan niya lahat pati mga ilaw.
“Lahat-lahat. ‘Doon kayo, doon. Dapat walisin ‘to. ‘Yong ilaw sabi ko patayin, ‘di ba? ‘Di kayo nakikinig,’” dagdag pa niya.
Hirit pa ni Nanay Cristy, “Tapos may sinabihan siyang babae, ‘Umalis ka diyan namali ako ng ano sa ‘yo. May bracelet ka pa.’
Baka Bet Mo: Kris Aquino mas mabuti na ang lagay, labis ang pasasalamat sa lahat ng suporta at dasal
“Alam mo, Romel, nakakahiya kasi prayer rally ‘yun. Dapat hindi niya ginawang salagawsaw ‘yung show. Nakakaloka! Akalain mo ipahiya ‘yong lightsmen!?” dugtong pa ni Nanay Cristy.
At dahil dito, muling nakapagsalita ang veteran radio-TV host tungkol sa planong pagtakbo ni Willie sa pagkasenador sa darating na 2025 elections.
Hindi raw niya alam kung saan pupulutin ang TV host kapag ipinagpatuloy nito ang ganu’ng style ng pagmamando at pagpapalakad.
Last month, nagpahayag si Willie ng interes sa pagtakbong senador next year sa ginanap namang prayer rally sa Davao.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag at paliwanag ni Willie hinggil sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.