Willie Revillame tatakbong senador sa 2025

Willie Revillame tatakbong senador sa 2025: ‘Handa akong magsilbi!’

Pauline del Rosario - January 29, 2024 - 02:55 PM

Willie Revillame tatakbong senador sa 2025: 'Handa akong magsilbi!'

PHOTO: Instagram/@willierevillame

GAME na game nang tumakbo sa pagka-senador ang TV host na si Willie Revillame sa darating na 2025 midterm elections.

Inanunsyo ‘yan mismo ni Willie sa naganap na prayer rally sa Davao City noong January 28.

Sa talumpati ng TV host, naikuwento niya na dati siyang inalok ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte at Senador Bong Go ng pwesto para sa senatorial lineup ng kanilang partido.

Ayon sa kanya, kinailangan niya itong tanggihan dahil sa “contractual obligations” ng kanyang show na “Wowowin.”

“Last March, two years ago after ng COVID-19 (pandemic), pinatawag po ako ni Sen. Bong Go at ng mahal na pangulo [Rodrigo Duterte] at ako ay kinausap nila sa Malacañang. ‘Yun po yung pinapatakbo niya ako bilang senator. During that time, meron akong programa sa GMA, ‘yung Wowowin,” pagbabahagi niya.

Chika pa niya, “Sabi ko, ‘Mahal na pangulo, meron pa po akong kontrata at hindi ko pa po kaya. Pag handa na po ako, pag-iisipan ko.’ Sabi nila, ‘Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. Kung ano ang nasa isip mo, ‘yan ang sundan mo.’ Hindi po nila ako pinilit.”

Baka Bet Mo: Willie Revillame naglo-loyalty check na matapos ang mga kinasangkutang kontrobersiya

Nabanggit din ni Willie na matagal-tagal din niyang pinag-isipan ang pagtakbo sa darating na eleksyon.

“Nag-dasal ako at hindi ako nakatulog, at naluluha ako dahil isang karangalan sa katulad kong TV host, na alukin ng isang presidente ng Pilipinas, na magsilbi sa bayan,” sambit niya.

Patuloy niya, “Ang sabi sa’kin, ‘Mahal ka ng tao, pareho tayong mahal natin ang mga kababayan natin, kailangan ka namin sa Senado’.”

“Noong sinabi niyo ‘yun sa’kin, sinabi niyo kailangan hindi ko kayo mapahiya kaya ako tumanggi sa inyo… Sabi mo sa akin, ‘Saludo ako sa’yo Willie dahil sinunod mo ang puso mo’,” saad pa ng TV host.

Iginiit din ni Willie na ang pagiging isang public servant ay tungkol sa pagsisilbi sa bansa.

“Dapat hindi pulitiko ang tawag sa mga nagsisilbi sa bayan. Dapat ang tawag sa kanya ay publiko-serbisyo. Public servant,” wika niya.

Paliwanag ng “Wowowin” host, “Dahil kapag nahaluan ng pulitiko, nandyan ang away, nandyan ang ego.”

“Ang sarap ng isang bansang na walang nag-aaway, walang kulay na pinipili. Nagkakaisa, nagmamahalan,” dagdag niya.

Ani pa ni Willie, “Ipinagdasal ko ‘tong mabuti. Kung ano po ang desisyon ninyo, palagay ko handa na ako.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pangako rin niya sa naging speech, “Handa akong gumawa ng kabutihan, handa akong magsilbi, hindi lang sa bayan, handa akong magsilbi sa mga nangangailangan ng tulong.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending