Kathryn milya-milya na ang layo kay Daniel, sey ni Cristy Fermin
TILA napag-iiwanan na raw ni Kathryn Bernardo ang kanyang ex-boyfriend at dating ka-loveteam na si Daniel Padilla ayon sa kolumnistang si Cristy Fermin.
Sa latest episode nila ng “Cristy Ferminute” na ipinalabas nitong Biyernes, February 23, isa ang dating magdyowa sa mga celebrities na kanilang natalakay.
Napansin kasi nila ang sunud-sunod na proyekto ni Kathryn pati na rin ang kanyang TV commercials at marami pa siyang naka-line up na gagawin.
Samantala, tila tahimik kung ano ang mga nakatakdang gawin ni Daniel bagamat muli na itong pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN.
“Latest kay Kathryn Bernardo, alam mo magkakasunod-sunod siguro yung mga ginagawa na TVC o TV commercial ni Kathryn Bernardo ngayong mga panahong ‘to.
“Sandamakmak! Ano ba yan!” pagbabahagi ni Cristy.
Baka Bet Mo: Jericho unang-unang nag-comment sa life updates ni Kathryn: Sweet yarn!
View this post on Instagram
Kaya naman may mga nagsasabi na kawawa si Daniel dahil napag-iwanan na ng dating kasintahan.
“Dahil dito, sinasabi nila, ‘kawawa naman talaga si Daniel Padilla naiwanan na ng milya-milya ni Kathryn Bernardo’.
“Hindi po hiningi yan ni Kathryn. At lalong hindi rin hiningi ni Daniel Padilla. Nagkataon lang na ito ang naging kapalaran nilang dalawa,” lahad pa ng showbiz columnist.
Sey pa ni Romel, “Napansin na lahat ng ating tagasubaybay na talaga namang napag-iwanan na ng husto [si Daniel]. Commercials, projects na natinig nating nakalinyang projects kay Kathryn pero kay Daniel may project pero hindi natin alam kung kailan.”
For sure naman ay magiging aktibong muli ang career ni Daniel at baka pinipili lang muna nito ang magpahinga sa ngayon matapos ang kanilang break up ni Kath.
Nangako naman ang mga fans ni Daniel na patuloy silang mag-aantay sa aktor hanggang sa maging active ulit ito sa kanyang showbiz career.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.