Cristy Fermin nanindigan, hindi magso-sorry kay Bullet Jalosjos

Cristy Fermin nanindigan, hindi magso-sorry kay Bullet Jalosjos

Therese Arceo - February 22, 2024 - 05:19 PM

Cristy Fermin nanindigan, hindi magso-sorry kay Bullet Jalosjos

MATAPANG na sinagot ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang inilabas na official statement ng aktor na si Dominic Roque.

Ilan sa mga isyung sinagot niya ay ang umano’y pagpapangalan raw niya sa mga benefactors ng aktor kung saan nadamay ang mga pangalan nina Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at former Congressman Bong Suntay.

Paglilinaw ni Cristy, hindi niya binanggit ang pangalan ng alkalde sa kahit na anong inilabas nilang episode mapa-“Showbiz Now Na” o “Cristy Ferminute”.

Kahit nga raw initials ni Mayor Bullet ay wala silang nasabi habang pinag-uusapan nila ang kontrobersyal na paghihiwalay nina Bea at Dominic.

Dagdag pa niya, nang banggitin nila ang pangalan ng dating Congressman Bong Suntay ay ipinagtanggol pa nila ito sa isyu.

Baka Bet Mo: Hamon ni Cristy Fermin sa abogado ni Dominic: Maglabas kayo ng resibo!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman sa episode ng “Cristy Ferminute” kahapon, February 22, nanindigan siyang hindi magso-sorry sa kampo ni Mayor Bullet.

“Si Mayor Bullet Jalosjos, wala kang makikita kahit initials mo sa aking pagsasalita mula ng aking talakayin itong Bea Alonzo, Dominic Roque split up na to hanggang sa panahong ito.

“Ngayon ko lang nalaman na ikaw pala ay nasaktan at pinagbintangan ang iyong kasarian,” pagbabahagi ni Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, sa kabila nito ay hindi siya hihingi ng tawad dahil wala siyang ginawang pagbanggit ng pangalan ng politiko.

“Hindi ako hihingi sa iyo ng patawad. Ni paumanhin ipagdadamot ko dahil kahit minsan, hindi ko sinabi na si Dominic Roque ay nakatira sa isang condo unit na pag-aari ng isang baklang politiko,” sey ni Cristy.

Pagpapatuloy pa niya, “Wala akong binanggit na ganun. Wala akong sinabing anuman. Walang pagdududa sa gender o kasarian ng politiko. Wala. Malins. Malinis na malinis.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending