Kathryn baka magtagal sa Australia, sey ni Cristy Fermin

Kathryn magtatagal sa Australia, sey ni Cristy: Dapat lang mag-move on

Ervin Santiago |February 20,2024
facebook
share this

Kathryn magtatagal sa Australia, sey ni Cristy: Dapat lang mag-move on

Ervin Santiago - February 20, 2024 - 09:00 AM

Kathryn magtatagal sa Australia, sey ni Cristy: Dapat lang mag-move on

Kathryn Bernardo

MUKHANG matagal na magbabakasyon sa Australia ang Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo base na rin sa sandamakmak na bagaheng dala nito.

Balitang napakaraming bitbit na maleta ng Kapamilya actress nang magtungo ito sa Australia kamakailan para manood ng “Eras Tour” ng International singer-songwriter na si Taylor Swift.

Isa ang topic na ito sa mga napag-usapan sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute” last Sunday, February 18, kung saan nabanggit nga ni Nanay Cristy na baka matagalan daw si Kath sa pagbabakasyon niya sa naturang bansa.

Baka Bet Mo: Actor-cum-businessman biglang di isinama ng nagbakasyong GF. Biktima nga ba ng ghosting?

“Nasa Australia siya ngayon. Sangkatutak na maleta ang dala-dala. Kaya ang pag-aalala ng kanilang mga fans, ang mga KathNiel, baka matagalan na si Kath sa pagbalik,” sabi ng premyadong radio at TV host.

Dagdag pang chika ng veteran showbiz columnist at online host, “Una manonood kasi siya ng Taylor Swift concert at maaaring may gagawin siyang TVC (TV commercial) doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“(Baka) may endorsement. Kasi sangkaterba naman ‘yung maleta. Magbibihis ba siya ng minu-minuto?” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Sa wakas, Catriona makakapiling na muli ang magulang sa Australia

Sabi pa ni Nanay Cristy, kung gusto pang magtagal ni Kathryn sa Australia para mas ma-enjoy ang tahimik at mas pribadong buhay ay super deserve niya ito.

“Dapat lang siyang mag-move on na. Hindi man natin masasabing isandaang porsyentong pagkalimot sa nakaraan, makakatulong ang kakaibang kapaligiran,” sey ng batikang manunulat.

Nauna rito, nag-viral ang video ni Kathryn sa social media na kuha sa concert ni Taylor Swift sa Australia habang give na give na sumasabay sa pagkanta ng American singer ng “We Are Never Ever Getting Back Together”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang paniwala ng mga nakapanood sa video, patama niya ito sa ex-boyfriend na si Daniel Padilla. Ibig sabihin, walang-wala na raw chance na magkabalikan sila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending